4 Q15: Ano ang buhay ninyo ilang araw makalipas ang bagyong Yolanda? A15: Mga tatlong araw isolated kami. Wala kaming matinong pagkain o makain. Iyong ibang magsasaka may kaunting root crops… cassava. Araw-araw iyon ang kinakain namin… cassava lang. Kung ano na lang makita namin, iyon na kakainin namin kasi walang supply ng pagkain. Wala ring kuryente at tubig. Basa kami. Walang palitan ng damit. Kung ano ang suot namin noong araw na bumagyo, iyon pa rin ang suot namin ilang araw makalipas. Sa daan na kami naliligo pag nakakakita kami ng tubig. Sa bomba kami umiinom noon. Iyong dalawang pamangkin ko na mga sanggol pa noon, cassava din ang kinakain nila kasi walang baby food. Sa totoo lang, hindi ako naka-move on sa nawawala kong kahon kasi andoon ang identity ko, ang pangarap ko. Q16: Ilang taon ka noong humagupit ang bagyong Yolanda? A16: 16 years old ako, graduating sa high school. Q17: Ano ang naging epekto sa iyo ng iyong karanasan sa bagyong Yolanda? A17: Tuwing nakakarinig ako ng hampas ng dagat, nanginginig ako. Para akong may sakit sa puso. Balisa ako at hindi mapalagay. Kahit nga ulan lang ay parang takot ako kasi baka mangyari ulit iyong Yolanda. Nagka-trauma ako sa ulan at sa dagat. Na-trauma ako ng makakita ako ng mga patay sa dagat. Andoon iyong lagi akong nagdududa, nababahala, hindi mapakali… Tatlong taon ang nakalipas bago ulit ako nakatungtong sa dagat. Iyong dagat, kaibigan namin iyan. Kasama namin iyan sa aming paglaki. Ngayon, kapag nakikita ko o namin, masama ang tingin namin. Cruel ang dagat. Papatay ng tao. Dumating rin ako sa puntong naging desperada na ako. Binalak kong pumunta ng Maynila para maghanap ng trabaho. Nag-impake na ako kaso iyak ng iyak ang tatay ko at pinakiusapan ako na sa Tacloban na lang kasi malayo ang Maynila at hindi nila ako makikita ng matagal. Q18: Nakapagtrabaho ka ba? A18: Oo, na-obliga ako. Wala akong choice kasi wala akong maaasahan. Kapag hindi ako magta-trabaho, hindi ko mapagpapatuloy pag-aaral ko. Pagkatapos ng Yolanda kasi, mas lalong nawalan ng katiyakan ang kinabukasan ko. Sabi ng tatay ko huwag na kami mag-aral dahil sapat na raw na marunong kami magsulat ng pangalan namin. Q19: Nakapagpatuloy ka pa sa pag-aaral? A19: Hindi po agad. Tumigil ako pumasok noong November 2013 hanggang March 2014. Noong March lang nagbukas ang paaralan

Select target paragraph3