5 namin at fast track lahat ng lessons namin. Pinagraduate na kami agad noong April 2014. Q20: Paano ang buhay mo noong pinagsasabay mo ang pag-aaral at pagta-trabaho? A20: Ginagawa ko noon, nagfa-facilitate ako sa trainings tapos nagtitinda rin ako sa school… mga papel, ballpen. Kung may PhP100.00 ako, ibibili ko iyon ng gamit na pwede kong itinda. Mahirap pero kinailangan kong magtrabaho para may pangtustos. Q21: Kumusta naman ang kabuhayan ng inyong pamilya pagkatapos ng nangyari dahil sa bagyong Yolanda? A21: Ang hirap ng buhay noon. Walang-wala. Hindi makapangisda sa amin ng ilang buwan kasi napakaraming patay na tao at hayop sa dagat. Kinailangan pang pumunta sa ibang lugar, sa Borongan, Eastern Samar, para lang makapangisda. Malimit wala pang huli, kaya noong hindi na kaya ng nanay ko, umalis siya sa bahay namin at iniwan kami. Naghanap ng ibang lalaki at doon siya sumama. Q22: Ano ang naging epekto sa iyo nito? A22: Napakahirap. Napakasakit pero kailangan maging matatag. Noong mga panahon na iyon nagpunta ako sa Tacloban at ibinalita lang sa akin ng tatay ko. Suicidal na ang tatay ko at hindi na siya nakakapunta sa dagat para maghanap-buhay. Hindi na rin siya kumakain, hindi na rin natutulog. Iyong naiipon ko pinapadala ko sa amin para makatulong sa pang araw-araw na gastusin. Q23: Ano sa tingin mo ang sanhi ng malakas na bagyong Yolanda? A23: Hindi ko talaga alam kung ano nagdulot noon. Pero sa tingin ko, hindi lang ito dahil sa maling gawain ng mga tao. Climate change na rin siguro ito. Q24: Paano mo nalaman itong climate change? A24: Bago mag-Yolanda, naging aktibo ako sa climate change adaptation and mitigation advocacies. May mga NGO, tulad ng Plan International, na nagpunta sa paaralan namin para mag-sensitize sa amin at nagturo tungkol dito. May Barangay Children’s Association (BCA) nga kaming nabuo bago ang Yolanda. Pero basic training lang tungkol sa climate change… idetermine ang safe evacuation areas. Nabuo ito pagkatapos ng isang leadership training. Sumasali kami sa mapping ng mga vulnerable o hazard areas. Pagkatapos ng Yolanda mas dumami iyong trainings. Q25: Mayroon ka pa bang nais sabihin bukod sa iyong nasabi na? A25: Naisip ko lang, itong mga malalaking kumpanya na marahil sanhi ng climate change… sila ang may kapasidad, dapat may gawin sila. Parang hindi tama at unfair kasi sila ang nagdulot nito at may kapasidad para tumugon dito… kami wala namang ginagawa, pero

Select target paragraph3