Salaysay ni Bb. Marinel S. Ubaldo Marinel S. Ubaldo, 21 taong gulang, taga-Matarinao Salcedo, Eastern Samar. (Ang Salaysay ni Marinel S. Ubaldo ay kinuha noong ika-5 ng Hulyo 2018 sa Canto Fresco, 279 Burgos Street, Downtown, Tacloban City, Leyte. Ang Salaysay ay kinuha ni Atty. Hasminah D. Paudac, kasama si Bb. Desiree Llanos Dee.) Q1: Maaari mo ba kaming bigyan ng kaunting personal na impormasyon o background tungkol sa iyo? A1: Ako po ay isang 4th year college student na kasalukuyang nag-i-intern sa isang komunidad sa Basey, Samar. Lumaki po ako sa Matarinao Salcedo, Samar. Kami po ay naninirahan sa pinakadulo ng isang coast o baybayin na nakaharap sa Pacific Ocean. Ang tatay ko ay isang mangingisda at ang nanay ko ay housewife na tumutulong sa tatay ko sa pagdadanggit at pagbebenta nito. Ako ang bunso sa tatlong magkakapatid na babae. Q2: Kumusta naman ang iyong kabataan sa Matarinao? A2: Sa lugar namin noon wala masyadong sasakyan. Naglalaro lang kami sa puting buhangin sa may gilid ng dagat. Iyon na ang kinalakihan namin na kapaligiran. Pumupunta kami sa dagat at kumukuha ng shells. Noong bata ako, hindi problema kung ano ang mauulam namin kasi pwede kaming kumuha ng makakain sa dagat. Diyan lang sa tabi, kahit hindi na pumalaot ng malayo, marami na kaming makukuhang isda. Ang tatay ko, pupunta lang sa tabing-dagat, makakakuha na siya agad ng isda. Iyan ang naging kabuhayan namin, kaya hindi na kami kailangan bumili. Aakyat lang ako sa tuktok doon sa may lugar namin, makikita ko na ang napakaraming puno ng niyog. Ang lolo ko po ay mayroon tanim na mga niyog. Q3: Malapit kayo sa Pacific Ocean, kumusta naman ang bagyo sa lugar niyo? A3: Naging parte ng aking kabataan ang mga bagyo kasi dinadaanan talaga ang lugar namin. Kalimitan signal number 2 at hanggang 3 lang. Iyong pinakamalakas na signal number 3 ay kaya pa rin naman. Bearable pa at hindi nasisira ang bahay namin. Hindi rin namin kailangan mag-evacuate. Ngayon, hindi na kaya kasi super typhoon na talaga. Pag dumarating na ang bagyo, natatakot na kami at nag-eevacuate. Nasisira rin ang bahay namin tulad noong nangyari sa Yolanda. Q4: Maaari mo bang isalaysay kung ano ang nangyari noong Yolanda? A4: November 7 ng gabi wala ng kuryente sa amin. Okay pa naman ang hangin at temperatura. Parang normal lang at matiwasay. Mga alas-

Select target paragraph3