2 tres ng umaga ng November 8, nagising ako sa iyak ng mga magulang ko at ang iba pa naming kasama sa evacuation center. Mga alas tres o alas-kwatro noon, hindi ko maintindihan ang tunog ng hangin. Kakaiba at napakalakas. Pinsan ko sumisigaw noon at lahat nagkakagulo kasi mag-e-evacuate kami dahil baka mag-tsunami na. Iyong tatay ko at mga kalalakihan sa amin ang nagbabantay sa paglaki ng alon sa dagat. Q5: Saan kayo nag-evacuate? A5: Sa may lumang day-care center na mga sampung metro lang ang layo sa bahay namin, pero nakataas o elevated siya ng kaunti kaya pakiramdam namin ay ligtas kami roon. Q6: Sino kasama mong nag-evacuate? A6: Buong pamilya ko nag-evacuate. Pati mga tita at tito ko kasama ang mga pamilya nila. Q7: Anong nangyari noong nag-evacuate kayo? A7: Noong araw na iyon, ang dala ko lang ay isang shoulder bag at encyclopedia na hiniram ko sa library namin. Gusto ko lang mag-basa sa evacuation center habang pinapalipas iyong bagyo. Ang laman naman ng shoulder bag ko ay charger, ballpen, notebook, at cellphone ko. Hindi ako nagdala ng damit kasi akala ko panandalian lang kami roon at hindi masisira iyong bahay namin. Maraming bagyo na ang dumaan at kapag nag-e-evacuate kami kaunti lang talaga dala namin. May kahon lang kaming dadalhin at iyon na. Iyong storm surge, akala namin ay lalaki lang ang tubig. Hindi namin alam dati ang ibig sabihin noon e. Noong kasagsagan ng bagyong Yolanda, may nakita ako na nanay na malapit na mapugutan ng ulo dahil sa mga nagliparang G.I. sheets. Ang mga G.I. sheets parang papel lang na nagliliparan. Tapos nakita ko pa na ang nanay na iyon na bitbit niya ang anak niya na nagkukumbulsyon pa. Q8: Sa panahong iyon, ano ang sumagi sa isip mo? A8: Naisip ko nga, na-corrupt ba ang pondo ng gymnasium namin at bakit ang daling mabaklas? Marami akong nakitang mga bahay sa harap ng day-care center na pinag-evacuate-an namin na nasira at nagtumbahan. Q9: Bukod dito, ano pa ang mga nakita at naranasan mo noong araw na humagupit ang bagyong Yolanda? A9: Noong Yolanda, hindi ko maipaliwanag iyong mga nakita at narinig ko. Ang daming taong nagdagsaan sa evacuation center namin, mga batang nag-e-evacuate kasi nasira iyong tinuluyan nilang evacuation center. Makikita mo mga nanay natutumba sa harapan mo, mga G.I sheets na lumilipad kung saan-saan.

Select target paragraph3