na mga isyu ay nagsisilbing hamon sa ugnayan upang mas lalong linangin at
paunlarin ang karunungan sa pamamagitan ng kolektibong pamumuno. Bagamat
walang nakadalo mula sa Secretariat, kami ay sumusuporta at nakiki-isa sa inyong
pakikibaka sa lupaing ninuno. Sana ay tuluy-tuloy ang inyong mga gawain para sa
pagpapalakas sa mga Katutubong Organisasyon para sa mas mabisang
pagpapahayag ng mga karapatan sa sariling pagpapas‟ya para makamit ang likas na
pagpapaunlad. Maraming salamat po.”
Ang Tebtebba naman po ay isang pandaigdigan na NGO ng mga Katutubo at nakabase sa Baguio. Kami ay ka-partner ng NATRIPAL noon pa para sa iba‟t ibang mga
proyekto. Kami po ay mayroong itinatayong Indigenous Navigator na nagmula sa
Napsan, Bagong Bayan at Simpucan. Tayo ay sama-samang nag-training noon at ito
ay isang paraan ng survey kung papano natin natatamasa ang ating karapatan.
Natutuwa po kami dahil nandito rin ang Karapatang Pantao dahil sila ay kabahagi
rin ng ating Indigenous Navigator sa international level. Ang Human Rights
Observatory ng CHR ay sinusuportahan rin ng European Union kagaya ng
Indigenous Navigator. Kayo na aming partner sa komunidad ay may malaking
tulong dito.
Ang Indigenous Navigator po ay magkakaroon ng proyekto para alamin ang
pagtatamasa ng karapatang pantao sa pamayanan, may pagta-tasa kung ano ang mga
problema, saan ba tayo nagkukulang, at mag-desisyon para matamasa ang
karapatan.
Sa Napsan, Bagong Bayan at Simpucan ay may prioridad na mag-imbentaryo ng
kanilang forest resources lalo na ang almaciga. Kaya ang DENR ay hinihingan namin
na madaliin ang trabaho sa pag-imbentaryo, mag-bigay ng per diem para ang pera
namin ay mapunta sa proyekto sa komunidad. Sa ganitong mga paraan ang
Tagbanua ay mayroong mapagkukunan ng sustainable na kabuhayan. Kaya tuluytuloy ang pag-suporta namin sa komunidad, at sana makatulong pa rin kami sa iba
pang mga komunidad. Salamat po.
NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018
Page
[32]
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents