na mga isyu ay nagsisilbing hamon sa ugnayan upang mas lalong linangin at paunlarin ang karunungan sa pamamagitan ng kolektibong pamumuno. Bagamat walang nakadalo mula sa Secretariat, kami ay sumusuporta at nakiki-isa sa inyong pakikibaka sa lupaing ninuno. Sana ay tuluy-tuloy ang inyong mga gawain para sa pagpapalakas sa mga Katutubong Organisasyon para sa mas mabisang pagpapahayag ng mga karapatan sa sariling pagpapas‟ya para makamit ang likas na pagpapaunlad. Maraming salamat po.” Ang Tebtebba naman po ay isang pandaigdigan na NGO ng mga Katutubo at nakabase sa Baguio. Kami ay ka-partner ng NATRIPAL noon pa para sa iba‟t ibang mga proyekto. Kami po ay mayroong itinatayong Indigenous Navigator na nagmula sa Napsan, Bagong Bayan at Simpucan. Tayo ay sama-samang nag-training noon at ito ay isang paraan ng survey kung papano natin natatamasa ang ating karapatan. Natutuwa po kami dahil nandito rin ang Karapatang Pantao dahil sila ay kabahagi rin ng ating Indigenous Navigator sa international level. Ang Human Rights Observatory ng CHR ay sinusuportahan rin ng European Union kagaya ng Indigenous Navigator. Kayo na aming partner sa komunidad ay may malaking tulong dito. Ang Indigenous Navigator po ay magkakaroon ng proyekto para alamin ang pagtatamasa ng karapatang pantao sa pamayanan, may pagta-tasa kung ano ang mga problema, saan ba tayo nagkukulang, at mag-desisyon para matamasa ang karapatan. Sa Napsan, Bagong Bayan at Simpucan ay may prioridad na mag-imbentaryo ng kanilang forest resources lalo na ang almaciga. Kaya ang DENR ay hinihingan namin na madaliin ang trabaho sa pag-imbentaryo, mag-bigay ng per diem para ang pera namin ay mapunta sa proyekto sa komunidad. Sa ganitong mga paraan ang Tagbanua ay mayroong mapagkukunan ng sustainable na kabuhayan. Kaya tuluytuloy ang pag-suporta namin sa komunidad, at sana makatulong pa rin kami sa iba pang mga komunidad. Salamat po. NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [32]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents