3) Ang Simbahang Katoliko ay ayaw ng Pangulong Duterte. Gustong putulan ng
mga ulo ang mga Obispo at mga pari. Galit na galit sa amin dahil gusto namin
isabuhay ang mga karapatang pantao. Ang mga pari, madre, at mga manggagawa
ng simbahan ay hindi mapipigilan. Ilang daang taon na ito at milyon na ang
ipinapatay buong mundo alang-alang sa bayan. Hindi ako natatakot dito.
4) Delikado tayo ngayon dahil sa MOA ng Secretary ng DENR, dahil ang namumuno
sa atin ay retired militar. Sa Mindanao ang mga Lumad ay nagkakaroon na rin ng
kaguluhan.
Maghinay-hinay, mag-usap usap at kung maari lamang ay bawasan muna ang
pagiging makasarili, “Ako muna! Kami na muna!” para tayo ay umunlad.
Kamakailan lamang salamat at ang aking opisina at nakatulong upang mag-mapa, at
iba pa, sa mga taga-NCIP para sa tatlong (3) lugar dito na iginawad na ng
Commission En Banc. Ang aking opisina rin noon ay naka-tulong sa pag-hawak ng
pera mula sa UNDP project para sa dalawang (2) lugar.
Ang mga pari at madre at nagpaplano na mag-diwang sa taong 2021 upang
magpasalamant at sa paghahanda ng 2022 para sa taon ng mga Katutubo.
Inanyayahan rin ang mga kabataan na mag-salita. Ang punto ko ay, ang simbahan
ay buong puso at isip na ang Katutubo ay pagmamalasakitan. Tayo ay mag-hawak
kamay, mag-damayan, at magtulungan imbes na mag-kanya kanya at ag-siraan.
Salamat po.
Message of Ms. Bernice See
Tebtebba
agandang umaga po sa inyong lahat. Ako po ay galing sa Baguio isang “Kankanaey
Igorot” ng Mountain Province. Karangalan po ng Tebtebba
at ang UPAKAT na kung saan ang NATRIPAL ay miyembro.
na kami ay makasama sa inyon 47th Founding Anniversary.
Ang mensahe mula sa Secretariat ng UPAKAT: “Magandang
Araw sa ating lahat.
Kami po ay taos-pusong
nagpapasalamat sa pag-imbita ng NATRIPAL sa kanilang
pangkalahatang pagpupulong. Ang Ugnayang Pambansa ukol sa Kaalaman at Talino
(UPAKAT) ay isang samahan ng mga Katutubong Balangkas Pampulitika,
Katutubong Samahan at Katutubong Pamayanang Tribo para sa pagtataguyod ng
Katutubong Kaalaman at Karunungan sa mga sumusunod na salin-lahi. Bahagi ng
programa ng ugnayan ang pagpapahalaga sa mga gawaing patuloy na kumikilala at
nagsasagawa ng mga Katutubong pamamaraan katulad sa pag-update ng mga
Katutubong Palaw‟an, Batak at Tagbanua sa Palawan. Kasama ang mga kinahaharap
NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018
Page
[31]
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents