3) Ang Simbahang Katoliko ay ayaw ng Pangulong Duterte. Gustong putulan ng mga ulo ang mga Obispo at mga pari. Galit na galit sa amin dahil gusto namin isabuhay ang mga karapatang pantao. Ang mga pari, madre, at mga manggagawa ng simbahan ay hindi mapipigilan. Ilang daang taon na ito at milyon na ang ipinapatay buong mundo alang-alang sa bayan. Hindi ako natatakot dito. 4) Delikado tayo ngayon dahil sa MOA ng Secretary ng DENR, dahil ang namumuno sa atin ay retired militar. Sa Mindanao ang mga Lumad ay nagkakaroon na rin ng kaguluhan. Maghinay-hinay, mag-usap usap at kung maari lamang ay bawasan muna ang pagiging makasarili, “Ako muna! Kami na muna!” para tayo ay umunlad. Kamakailan lamang salamat at ang aking opisina at nakatulong upang mag-mapa, at iba pa, sa mga taga-NCIP para sa tatlong (3) lugar dito na iginawad na ng Commission En Banc. Ang aking opisina rin noon ay naka-tulong sa pag-hawak ng pera mula sa UNDP project para sa dalawang (2) lugar. Ang mga pari at madre at nagpaplano na mag-diwang sa taong 2021 upang magpasalamant at sa paghahanda ng 2022 para sa taon ng mga Katutubo. Inanyayahan rin ang mga kabataan na mag-salita. Ang punto ko ay, ang simbahan ay buong puso at isip na ang Katutubo ay pagmamalasakitan. Tayo ay mag-hawak kamay, mag-damayan, at magtulungan imbes na mag-kanya kanya at ag-siraan. Salamat po. Message of Ms. Bernice See Tebtebba agandang umaga po sa inyong lahat. Ako po ay galing sa Baguio isang “Kankanaey Igorot” ng Mountain Province. Karangalan po ng Tebtebba at ang UPAKAT na kung saan ang NATRIPAL ay miyembro. na kami ay makasama sa inyon 47th Founding Anniversary. Ang mensahe mula sa Secretariat ng UPAKAT: “Magandang Araw sa ating lahat. Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat sa pag-imbita ng NATRIPAL sa kanilang pangkalahatang pagpupulong. Ang Ugnayang Pambansa ukol sa Kaalaman at Talino (UPAKAT) ay isang samahan ng mga Katutubong Balangkas Pampulitika, Katutubong Samahan at Katutubong Pamayanang Tribo para sa pagtataguyod ng Katutubong Kaalaman at Karunungan sa mga sumusunod na salin-lahi. Bahagi ng programa ng ugnayan ang pagpapahalaga sa mga gawaing patuloy na kumikilala at nagsasagawa ng mga Katutubong pamamaraan katulad sa pag-update ng mga Katutubong Palaw‟an, Batak at Tagbanua sa Palawan. Kasama ang mga kinahaharap NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [31]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents