Message of Ms. Grace Sescon
Management Coordinator, ELAC
agandang umaga po sa ating lahat. Nitong July ay isinabuhay nating muli ang
“Save Palawan Movement (SPM)” dahil sa maraming banta sa
Palawan. Kapag nag-attend ako ng Conference sa Manila ang
problema nila ay pagmimina, plantasyon, at pangangamkam ng
lupa, na mayroon tayong lahat nito.
Tayo ay may “Waste to Energy” na problema ngayon sa syudad at
ang mga infrastructure na sinabi ni Atty. Chan. Ang mga daan
papunta sa mga kabundukan, ang mga pagtatabas ng mga lupain sa kabundukan at
ang enerhiya (Coal Fire Power Plant) na hanggang ngayon ay isinusulong pa rin nila.
Ang lahat ng ito ay dahilan ng hindi makatarungan na pamamahala ay kasama sa
mga manipestasyon kagaya ng pag-pasa ng Charter Change ni Gloria Aroyo na
marami sa probisyon ay mapanganib sa ating mga Katutubo at sa ating mga
kalikasan.
Ang Management Plan na magbubukas ng daan para ma-pasok sa kalob-looban ng
ating mga lupain dahil sa mga kalsada.
At ang most pressing issue ay ang paghahati-hati ng Palawan na gagawin tatlong
probinsya ang Palawan at isang s‟yudad na independent. Ang dahilan nila ay
masyadong malaki ang Palawan at hindi nakakarating ang mga serbisyo sa inyo.
Kung mayroong Kapitolyo na sa inyong lugar sa palagay n‟yo ba ay makakarating na
ang mga serbisyo sa inyo? Hindi naman dapat sila talaga ang nagbibigay ng serbisyo
sa inyo kundi ang Munisipyo at ang Barangay. Na dapat ayon sa ang LGU Code ay
pinalalakas para maibigay sa atin ang mga serbisyo-publiko.
Ang tutol natin dito sa paghahati ng Palawan ay dahil:
1) walang totoong konsultasyon. Ang sinabi nila ay nagpatawag sila ng mga Mayor
at Vice Mayor na sinasabing sila ang representante ng mga tao pero hindi naman
nagtanong sa atin ang Mayor at Vice Mayor kung gusto ba natin ito.
Ang Palawan ay isang Island Ecology. Buo dapat itong i-manage at isang
pagmamaneho lamang. Bukod sa lahat dapat ito ay sustainable development ng mga
likas-yaman ng buong Palawan.
2) Ang paglobo ng burokrasya o pag-dami ng tao. Ilang tao ang dapat paswelduhin? Ilang Governor? Ilang Vice Governor? Ilang Mayor? Vice Mayor?
NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018
Page
[33]
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents