Ilang Congressman? Ilang Board Members? Ilang mga kawani sa munisipyo? At iba pa. Ang sabi nila ay magiging sentro ang Roxas, Taytay at Brooke‟s Point sa bawat probinsyang bubuuin. Kung maliit na ang kanilang nasasakupan mas madali na ang kanilang pagmanipula sa mga tao. Madali na nilang ipatupad ang kanilang interes. Mas madaling mag-escalate na tinatawag na “Development Aggression” ang mga pag-pasok ng mga investors at destructive instruments na makakasira sa kalikasan, dadami ang construction, dadami ang tao na ikamamatay ng rich biodiversity ng Palawan. Mawawalan ang mga lupa ng Katutubo dahil sa expansion ng mga infrastructures. Unti-unti na itong nangyaari ngayon. 3) Walang pag-aaral ang ginagawa nilang mga plano. Kung tunay na may pag-aaral, ito sana ang dala nila sa inyo para konsultahin kayo. Dapat sasabihin nila na, “O ito ang lumabas sa tawas kaya kailangan natin ng ganito at ganoon.” Ang sagot sa interview ni Vice Mayor ay, “Kaya nga may plebesito ay para konsultahin ang mga tao.” Hindi ba dapat bago gawain ang batas ay may konsultasyon muna sa mga tao? Bakit nabuo na ang batas bago pa makosulta ang mga tao? Sana hindi tayo dumating sa plebesito at tatanungin tayo kung “Papayag ka ba o Hinde?” Saan ba tayo papayag? Ano ang masama at hinde? Hindi natin alam kung ano ang papayagan natin. Sa Charter Change ni Gloria, tinanggal ang anti-dynasty, tapos magiging tatlo ang na Palawan, ano na ang mangyayari sa atin? Ngayon ay patuloy pa rin tayong nangangalap ng mga signatures para tutulan ang paghahati hati ng Palawan. Ang mga tao sa Puerto noong ginawa na maging highly urbanized ang lugar na ito walang sinabi na hindi tayo p‟wedeng bumoto para sa probinsya. Mayroong petisyon sa Comelec na dapat ay buksang muli ang pag-boto ng mga Puerto Princesa. Ang naka-saad sa ating 1987 Constitution lahat tayo ay p‟weeng bumoto. Ngayong 2019 ay p‟wede tayong bumoto para sa provincial officials ayon na rin ito sa Charter ng highly urbanized area. Marami pong salamat. Remark, John Mart, NATRIPAL: Ang pagtatanong ninyo ay idiretso ninyo kung kanino n‟yo gustong itanong na opisyal. Ang mga taga- DENR, NCIP at iba pang partners natin ay sana manatili rito hanggang makapag-present ang mga taga-CHR tungkol sa kanilang Human Rights Observatory. Nais namin na makuha rin ang inyong saloobin tungkol dito. Salamat po. NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [34]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents