OPEN FORUM Q, Joel Limsa: Para po ito kay Atty. Chan, tungkol sa Co-Management MOA. Mayroon po bang magagawa ang NATRIPAL para mapawalang bisa ang ginawang MOA? A, Atty. Chan: May nagawa na ang NATRIPAL. Signatory si Pres John Mart sa sulat. Ang Co-Management ay nag-umpisa na dalawang taon na ang naka-lipas. Ito ay nasa implementasyon na, ito ay ang plantasyon, daan at pag-baba ng mga Katutubo. Mayroon tayong plan sa internet na approve na ng PCSD. Dahil lahat tayo ay pumirma sa sulat, hindi nag-laan ang DENR ng pera sa MOA. Tuloy pa rin ang MOA dahil ang pera ng PCSD at pera ng probinsya ang inilagay doon. Panalo tayo sa kalahati ng laban pero ang kalahati ay hinde. Nagpapasalamat ako dahil ang mga taga-San Vicente at Quezon ay naka-pirma rin sa sulat. Nagalit nga sa atin si Gov. dahil P100M ay nailagay na at hindi ito ma-liquidate sa COA. Mahirap na itong buwagin pero may nagawa ang sulat natin na huwag ituloy ang MOA, kaya lang ang kalahati ng budget ay galing pera ng probinsya at PCSD. Q Amay Pandinio: Para kay Atty. ang kaso namin ay ibinalik bakit n‟yo tinanggap? Ang kaso namin ay wala pang desisyon at ngayon kami pa ang kinasuhan sa korte. Isa itong maliwanag na pagyapak sa karapatan namin. Laganap na ang pag-pasok ng mga tao, kanya kanya ang mga tao, pero ang sabi ni Atty. Awat ay gumawa kami ng batas ayon sa IPRA law. A, Atty. Agusti: Ang kaso n‟yo po ay mayroon ng desisyon kay Atty. Gina. Simula po ng magkaroon ng Unduran ipinaliliwananag na namin na ang Supreme Court ay nagkaroon ng isang desisyon na ang juriscdiction ng NCIP ay limitado lamang sa problema, hindi pagkaka-unawaan at sigalot sa pagitan ng kapwa Katutubo na nasa isang tribo lamang. Hindi po tayo p‟wedeng tumaliwas sa utos ng pinaka-mataas na hukuman. Buong Pilipinas po ang apektado sa bagay na ito hindi lamang sa buong Palawan. Hindi naman po nagdi-dismiss ang NCIP agad, hindi ko lamang po p‟wedeng kunin ang kaso ninyo dahil ako po ang abogado ninyo doon kaya po ito ibinigay ng NCIP sa ibang RHO. Pero ang kaso namin sa Romblon ang kumpanya ay pumayag na makipagka-sundo kaya hindi ma-dismiss ang kaso dahil may kasunduan na mag-bigay ng royalty. Ang ibang kaso po kagaya sa Aborlan ay hindi p‟wedeng pilitin kung hindi nagkakasundo ang dalawang partido. Ang mga dahilan, a) minsan hindi ito pang-komunidad na kaso; b) minsan ito ay isang claim ng isang Katutubo sa lupain n‟ya na kinukuha ng isang kumpanya o ng iba; c) minsan ang ibinibigay ng mga Katutubo ay imposible para mapagka-sunduan. Kung ma-dismiss man po ng RHO ang Katutubo ay kailangan mag-file sa court at kailangan ng assistance ng abogado. Kung ito ay community-interest case ang abogado ng NCIP ang dapat tumulong sa inyo subalit wala po tayong abogado sa ngayon lalo na sa Rehiyon ng Palawan hanggang December 31 na lamang tayo mayroong Regional Officer. Ang ating RHO sa katauhan ni Atty. Lapat ay magtatransfer na sa Region 3 sa Januarry 1. Isang malaking problema na naman ito ng Palawan dahil tatlong (3) taon nang walang abogado ang NCIP sa Palawan. ELAC po ang tumutulong pero para sa community interest po ito o kaya naman ay sa PAO po kami humihingi ng tulong. NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [35]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents