Ang Unduran ba ay talagang balakid? May dalawang test case po ako. Una ay sa
Tanay Rizal at nag-file po ako sa Regular Court ng ejectment. Nanalo naman po
kami doon dahil ancestral domain po ito. Pangalawa ay sa Bulalakaw, Coron
Palawan at nanalo rin kami hanggang Court of Appeals. Kung mayroon po tayong
mga makinarya at abogado kahit na may Unduran pa ay mananalo tayo ngunit wala
po tayong sandata sa ngayon sa NCIP. Noon po ay pinayagan lamang ako na
hawakan dahil hindi pa po ako Hearing Officer. Hindi lamang po si Atty. Tisa ang
tumanggap ng mga kaso noon bilang isang hearing officer (rest in peace) dahil may
kapangyarihan ang NCIP na duminig noon. Hindi po batas ang inilabas ng Supreme
Court kundi interpretasyon ng Supreme Court hinggil sa IPRA law.
A, Atty. Chan: Tandaan na lamang natin na ang lumabas na kaso ng Supreme
Court ay mali. Hindi ka rin kailangan maging Justice ng Supreme Court para sabihin
na ang jurisdiction ng NCIP ay hindi lamang para sa Katutubo. Kung titingnan ninyo
ang karapatan ninyo sa RA8371 ay ang pagpapa-alis ng mga taong taga-labas sa
lupaing ninuno ninyo. Papaano mo ma-implement ang karapatan mong ito kung ang
kalaban mo ay taga-labas? Ibig sabihin dapat pinaningan kayo na ang kalaban ng
Katutubo ay taga-labas. Anong p‟wede natin gawin ngayon? Gamitin ninyo ang
karapatan ninyo para hindi maka-pasok ang taga-labas sa area ninyo. Sa buong
sampung taon ko dito ang ginagawa ko ay hinuhuli ko na lamang ang mga chainsaw
ni Gov. at Lucio Tan para ako na lamang ang kasuhan nila. Hanggat hindi ninyo
ipinaglalaban ang inyong karapatan ay patuloy itong mangyayari. Kung kayo ang
mag-kaso sa kanila patatagalin lamang nila. Pigilin ninyo sila sa pag-pasok, sila ang
mag-kaso sa inyo ako ang abogado ninyo patagalin natin. Baliktarin natin ngayon
tayo ang nag-kakaso sa kanila, tayo ang may kailangan ng abogado, tayo naman
ngayon ang mag-implement ng karapatan natin. Tayo ang dedepensa sila ang
humanap ng abogado nila.
A, Atty. Agusti: Ngayong nasa RHO na po ako mayroon akong 88 cases at nadispose ko ay around 20 cases a year. Ang karamihan doon ay IP vs Non IP.
Nagbabasa ako ng kanilang posisyon paper at tinitingnan ko na baka may isang
abogado na malikot ang imahinasyon at mag-bigay ng ibang interpretasyon sa
Unduran na pwedeng katigan ng Supreme Court. Base na rin sa pagiging legal
officer ko noon, tama naman ang sinabi ni Atty. Chan na mas maganda ang depensa
kesa sa umaatake ka lalo na hindi sapat ang sandata mo [kaya lang hindi ko
p‟wedeng sabihin „yun dahil ako ay nasa gobyerno.] Kung nasa depensa ka alam mo
ang galaw nila. Kung nasa norte kayo ang Ocean Park ay hindi makapasok, ang kaso
nila ay pending. Hawak pa rin ng Katutubo ang isla. Bakit? Dahil ang mga Katutubo
doon ay hindi binitawan ang lupa. Kapag lumalaban kayo huwag ninyong bibitawan
ang lupa ninyo dahil mahirap bumalik.
A, Atty. Chan: Alam natin na ang problema natin ngayon sa buong Palawan ay
abogado. Pero sa panunungkulan ko sa PNNI ang proyekto namin ay may tema na,
NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018
Page
[36]
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents