“Hindi ako abogado.” Inipon namin lahat ang mga lider na Katutubo, mangingisda, magsasaka at sino pa na nakagawa ng bagay na hindi kailangan ng abogado. Kung kilala n‟yo si Teofilo sa Narra, nandoon kami sa Ajudication Board ng MGB ang kalaban n‟ya ay mining company. Gumawa ng position paper at sulat kamay. Dalawang sentences. Sarado ngayon ang City Nickel. Suspendido ang kumpanya nila. Anong laman? Simple lamang. Ang 500-1,000 meters above sea level at restricted ayon sa PCSD Bakit kayo nag-ooperate sa 800 meters? Tama s‟ya. Ang karapatan ay nasa tao. Kung papano ito ilagay sa papel ay nasa tao. Ang abogado ay kayang ilaban „yan. Pero kaya n‟yong gawin ito. Isulat lamang ninyo ang rason ninyo at ito ang kailangan ng batas. Ang rason ninyo ang ipaglalaban natin sa bawat batas. Ito ba ay sa inyong kasarinlan? Kultura? IKSP? Naniniwala ako na kakatigan ni Pañera ang inyong kaso. Q, Wille Tiugon: Para ito kay Atty. Jofi, nagkaroon po ba kayo ng investigation sa ina-aaplayan naming lupaing ninuno sa Brgy. Magsaysay sa itaas ng Aborlan? Dahil kung mayroon itutuloy namin ang laban kay Atty. Gina. Kung wala ano po ang payo ninyo? A, Atty. Agusti: Noong nagpunta po ako doon 3-4 years ago na po yata „yun ang mungkahi po noon ay ang ipagpatuloy ang pag-apply ng CALT [dahil ito po yata ang inaplayan ninyo noon]. Ang mga tao doon ay hindi naman magkakaibang clan o angkan. Masyadong malawak ang kung CALT ang i-apply ninyo doon baka magkaroon kayo ng problema sa requirements. Baka kasi mas maganda kung CADT, pero ang pagbabasehan po ay ang technical na opinion ng nasa probinsya. Dahil wala na po ako sa doon at ako ay nalipat na hindi ko lamang po alam kung CADT o CALT ang na-aplayan ninyo. Ang maganda po dito kapag nag-apply kayo ay kausapin ninyo si PO para sa simula pa lamang ay maayos na ang aplikasyon. Malaki po ang pagkakaiba ng CALT sa CADT. Hindi ko po dapat pangunahan ang kanilang desisyon ang kailangan n‟yo ay masinsinang pakikipag-usap sa teknikal dito sa probinsya. Ang alam ko po release na „yun ready for titling ng DENR dahil harap ng Munisipyo ito hindi na timberland. A, Atty. Chan: Nagbigay kayo ng aplikasyon tapos hinahanap ninyo kung anong nangyari doon. Kapag nagbigay kayo ng application at tinanggap nila at tinatakan nila ng “received”, gumagana na ang karapatan ninyo doon. Nasa Supre Court decision rin „yun, hindi n‟yo kailangan hintayin ang karapatan ninyo kahit pa CALT or CADT „yan may karapatan na kayo doon. P‟wede na ninyong sabihin na hindi na p‟wedeng pumasok ang iba. Dahil lamang sanay na tayong ipinaglalaban ng iba, hindi tayo lumalaban. Huwag kayong maghintay na ipaglaban sa inyo ni Jofi yan, o ng ELAC o ng PNNI. Dapat ngayon pa laang ay may tapang na kayong sabihin na “lupaing ninuno namin ito o lupang ninuno namin ito CALT man o CADT.” NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [37]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents