Q, Wille Tiugon: Para sa history kung bakit namin kailangan i-claim. Iniwanan na
nga ng komunidad dahil Munisipyo na s‟ya at nasa kabila kami. Ang lugar ay racho
ng mga Ortega, nailit ito at pinasok ng Batayan Farmers Association, pinaghatihatian nila habang hinahabol ng mga Ortega. Kaya hinabol na namin ang lugar dahil
ang akala ng Ortega sila pa rin ang mananalo sa kaso. Pero bigla itong hinati-hati at
na-release mula sa PENRO sa Batayan Farmers Association ang titulo. Kung wala na
kaming magagawa pa bakit magpapagod pa kami doon. Kaya ako nagtanong ano ang
p‟wede naming gawin.
A, Atty. Agusti: Ang tanong ko noon kay Madam ilang ektarya ang pwesto mo dito?
Ang sagot ay 1-3 hectares . Ang sabi ko sabihin sa mga Katutubo na naka-pwesto
doon na mag-apply na lamang sa DENR at huwag ng CADT or CALT kasi released na
ang area. Ang sabi naman n‟ya kaunti lamang ang mapupunta sa kanila kung ganoon
at ang gusto nila ay ang buo. Kung CALT hindi rin makukuha dahil hindi naman
clan ang nagke-claim mas malamang na ito ay CADT dahil isa kayong asosasyon sa
loob. Ang sabi ko kung gusto nilang mas mabilis mag-apply na lang sa DENR. Ang
problema yata ay ang pakikipag-usap sa DENR at ang gusto ay buo. Pero ipinakita
ko na ang advantage at disadvantage ng mga titulo na dapat i-apply.
A, Atty. Chan: Kung ito ay classified na lupaing ninuno sakop nito kung ito ay
timberland, protected area, mining o anupaman. Huwag kayong matakot dahil
released na ay hindi na papasok sa lupaing ninuno. Ang dagat nga ay pasok sa
lupaing ninnuno. Huwag n‟yo kasing sabihin sa sarili ninyo na kapag hindi n‟yo
nakuha ang buo ay give-up na kayo. Mali ito. Ang problema sa ating mga Katutubo
ay “all or nothing” at kapag nag-sampa tayo ng kaso bukas ay may aksyon na! Mali
ito. Ang labanan dito ay mahaba. Kung hindi man natin makuha ang buo at may
nakuha tayong kaunti – victory na ito dapat! Marami sa inyo ay naka-pwesto na.
Doon pa lamang ay victory na kayo! Ang ipaglaban na lamang natin ay yoong hindi
naka-pwesto. Ang BCM sa Kalawit, hindi pa ako abogado noon pero ngayon CADT
kasama ang dagat.
Wille Tiugon: Para matuto kayo sa amin. Ang area namin ay nasakop na ng ibat
ibang barangay. Ang paligid namin ay released at ang naiwan ay ang 94heactares
dahil sa rancho na hinahabol namin. Noong ma-released na ang paligid at panahon
pa ng tatay ko, nagbabayad na lamang kami ng tax declaration pero pinatigil kami
dahil may pagmamayari na daw ng iba ito. Maraming Palaw‟an ang bumitiw dito.
Ang naiwan ay ang 94 hectares at hindi pa ito nahahati-hati noon kaya lamang isang
araw nag-punta ang PENRO na walang alam ang mga tao doon at ito ay na-sukat na
kaya pinasok ng mga Bantayan Farmers Association. Kaya ang sabi na i-apply namin
sa DENR hindi na p‟wede dahil ang mga farmers ang naka-kuha at sila ang squatters.
A, Atty. Agusti: Ang sabi ko ang gawin ninyo ay ang intension ng komunidad kung
saan n‟yo gustong patungo. Ang iba ay naka-pwesto na. Ang sabi ko nga po kanina
dapat ang pag-sulong ng karapatan ay „yun komunal na karapatan hindi ang pangNATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018
Page
[38]
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents