2 A6: Mga sampung taon na ang nkalipas noong magsimula mangisda ang mister at maganda pa ang pangisdaan at magaganda ang klase ng mga isda, pero ngayon na patindi ng patindi ang init ng panahon, kaya ngayon ay palayo na ng palayo ang kanilang pinaglalaotan. Pahina na din ng pahina ang kita sa isda. Q7: Noong nagsisimula pa lang siyang mangisda, mga sampung taon na ang nakakalipas, mga magkano ang kinikita nya araw-araw? A7: Araw-araw noon ay maswerte na kami kapag kumita kami ng isanlibo, bawas na ang gastos. Sa ngayon ay kumikita pa din ng isanlibo subalit lumaki ang gastos. Lumalabas na limandaan na lang ang kita dahil sa laki ng gastos. Q8: Sinabi mong gastos, ano iyong mga pinagkakagastusan nyo? A8: Bumibili kami ng madaming gasolina at pamain sa isda. Q9: Maraming gasolina? A9: Maraming gasolina kasi malayo ang lalaotan. Kelangan din naming bumili ng mas magandang makinarya na pangkabit sa banking de motor, dahil kung mahina na ang motor, malapit lang ang malalaotan. Q10: Sa lambat? Dahil sa mas malayo na ang nilalaotan n’yo, gumastos kayo kasi kelangan nyo ng mas malaking lambat? A10: Oo, kelangan namin ng mas mahabang lambat dahil malayo ang lalaotan. Kapag maliit ang lambat na gamit, kakaunti ang mahuhuling isda. Q11: Noong kayo ay lumalaki at kayo ay nagpupunta sa karagatan, may nakikita ba kayong pagbabago? Ganoon pa din ba ang abot ng tubig sa pampang o mas lumapit ang tubig sa pampang? A11: Noon ay malawak pa ‘yung buhanginan, hindi pa litaw ang mga bato. Hindi tulad ngayon na napakalawak na ng batuhan bago ang dagat lalo na ‘pag low tide o paghibas. Noon ay mas marami ang buhangin kesa sa bato; ngayon ay mas marami ang bato. Nakakalkal na padagat ang mga buhangin nakatabon sa bato dati. Q12: Sa tingin mo, ilang metro ang nilapit ng tubig sa pampang kumpara sa dati? A12: Siguro kalahating metro. Q13: Ang inyong mister ay mangingisda lamang o may iba pa siyang ibang trabaho?

Select target paragraph3