Salaysay ni Bb. Elma Reyes Elma Reyes, 32 gulang, taga Sitio Adungo, Brgy. Villa Norte, nagtitinda ng gulay at asawa ng mangingisda. (Ang Salaysay ni Bb. Elma Reyes ay kinuha ni Bb. Anna Abad noong bandang Agosto 2014 sa Alabat, Quezon at siya ay muling ininterbyu para makumpirma ang kanyang mga kasagutan ni Atty. Zelda DT. Soriano noong bandang Marso 2015 sa loob ng opisina ng Greenpeace Southeast Asia – Philippines, JGS Building, 30 Scout Tuazon Street, Brgy. Laging Handa, Quezon City.) Q1: Ano ang nakita nyong pagbabago sa klima mula noong bata kayo kumpara sa ngayon? A1: Noong ako ay bata pa at ang mga magulang ko nangingisda pa, ang lalaki ng mga huling isda. Noong ako ay nag-asawa na at ‘yung asawa ko ay nangisda na din, maliliit na ang isdang nahuhuli at malayo pa ang nilalaotan. Noon ay konting oras lang sa dagat, may sapat ng huli ng isda para ibenta sa Alabat. Ngayon ay kelangan pa ng walong oras hangang labindalawang oras kung mahina ang huli ng isda. Q2: Ang huli nyo noon at ngayon ay pareho lang? Nawala ba iyong ibang klase ng isda? A2: Madalang na hindi tulad noon na sa sampung mangingisda ay lahat sila nakakahuli ng malalaking isda pero ngayon ay sa sampu, isa lang ang nakakahuli sa loob ng isang buwan na pangingisda. Q3: Sinabi nyo na nagbebenta kayo ng gulay, may napansin ba kayo na pagbabago sa pag-ani ng gulay? A3: Noon na hindi pa ganito ang init ng panahon ay magaganda ang gulay. Mas madaling yumabong. Sa ngayon ay ang sitaw ang nilalako ko, ‘pag ganito ang panahon ay maliit at payat. Q4: Magkano ang kinikita mo sa pagbenta ng gulay noon kumpara sa ngayon? A4: Noon ay kahit madaming gulay ay kumikita ako ng 200, pero ngayon ay ang 100 ay pahirapan pa dahil masama na ang klase dahil sa init. Q5: Kelan iyon noong kumikita kayo ng 200? A5: Mga apat na taon na ang nakakaraan. Q6: Noong nagsimulang mangisda ang mister nyo, magkano ang kita nya noon kumpara sa ngayon?

Select target paragraph3