2
Q6: Kamusta naman ang tag-ulan noon? Gaano kadalas ang tag-ulan
kung inyo pang naaalala?
A6: Noon, July to August, umuulan yan. September to December,
magsisimula na kami magtanim. Ngayon, minsan umuulan, minsan
hindi. Ngayon, sunud-sunod na malakas. Noon, may malakas, may
hindi. Ngayon, palakas nang palakas. Sa sobrang pag-uulan nasisira
ang pananim namin.
Q7: Mayroon pa bang ibang epekto ang pagbabago ng klima sa inyong
pagsasaka?
A7: Oo, sa aming tradisyon. Noon, isinasagawa pa namin ang baki. Ang
baki ay isang ritwal bago magtanim. Ngayon, nabago na. May
bagong estilo na ang pagtatanim. Mag-baki ka bago ka magtanim.
Ngayon, nabago kasi maraming pamamaraan o estilo. Minsan ayaw
nila ang baki kasi mahirap daw gawin.
Q8: Pakilarawan nga po ang baki?
A8: Ritwal namin ito kapag nagtatanim kami. Nauunang magtanim ang
may malaking palayan bago kami. Nag-aalay kami ng baboy o manok
bago magtanim at pagkatapos ng pag-aani.
Q9: Paano naapektuhan ng pagbabago ng klima ang inyong tradisyon
na baki?
A9: Hindi na na-oobserbahan ang baki kasi minsan may nauunang
magtatanim, minsan may nahuhuli. Minsan may nagtatanim, minsan
wala. Ngayon, nabago na ang kalendaryo ng pagtatanim ng bawat isa
dahil na rin sa pagbabago ng klima. Wala pang bagyo, pero inaani na
ang mga palay.
Q10: Bakit nabago na ang kalendaryo ng pagtatanim ng bawat isa?
A10: Siguro natatakot sila na mabagyo at mamatay ang mga pananim nila
kaya iba-ibang kalendaryo ang sinusunod na at hindi ang baki.
Q11: Ano ang magiging epekto, kung mayroon man, ng hindi pagsunod
sa baki?
A11: Kapag mawala ang baki, wala ng mag-aalay. Kapag wala ng magaalay, wala ng masaganang ani.
Kapag mamamatay na ang
matatanda, wala ng magpapatuloy nito. Mawawala na ang aming
tradisyon na siya pang ipinasa sa amin ng aming ninuno.
Q12: Handa po ba kayong panumpaan ang salaysay niyong ito kung
kinakailangan?
A12: Oo.
Buucan Hangdaan
August 14, 2018