Salaysay ni Gg. Buucan Hangdaan
Buucan Hangdaan, 70 taong gulang, at taga-Bangaan, Ifugao, isang
katutubong magsasaka.
(Ang Salaysay ni Gg. Buucan Hangdaan ay kinuha noong noong ika-29 ng
Hulyo taong 2018 sa Bangaan, Ifugao. Ang Salaysay ay kinuha ni Gg.
Mohammad Rayyan M. Domado, Legal Assistant ni Attys. Hasminah D. Paudac at
Grizelda Mayo-Anda, kasama si Bb. Desiree Llanos Dee at Gg. Albert Lozano.)
Q1: Nabanggit niyo po na kayo ay isang magsasaka at taga Bangaan.
Gaano na po kayo katagal na magsasaka sa Bangaan?
A1: Hindi ako orihinal na taga-rito. Isinilang ako malapit sa Banaue.
Nagsimula akong manirahan dito mahigit 50 years na sa ngayon
simula noong ikinasal kami ng asawa ko noong 20 taong gulang ako.
Q2: Bilang isang magsasaka, anu-ano ang inyong itinatanim?
A2: Iba’t-ibang uri ng palay, at minsan mga vegetables.
Q3: Anu-ano ang mga iba’t-ibang uri ng palay na inyong tinatanim?
May pagkakaiba ba ang mga palay na ito?
A3: Noon, ang tinatanim namin ay lahat tinawon. Ngayon, may mga
inakyat dito na mga bagong palay. Ang kaibahan nito ay itong bagong
palay ay may mas maraming bungang butil, pero ito ay maliliit. Mas
mabuti pa ang mga palay noon kasi malulusog ang mga ito. Kahit
hindi marami, mas mabigat naman ito.
Q4: Nabanggit niyo na nagsimula kayong magsaka simula noong 20
taong gulang pa kayo. Ngayong 50 taon na ang nakalilipas,
mayroon ba kayong napansin na pagbabago?
A4: Oo. Noon, hindi masakit sa balat ang araw. Ngayon, masakit na.
Kung magtatrabaho kami noon sa palayan hindi mo maramdaman ang
init. Nagpapahinga lang kami kapag nagma-mama. Ngayon, pagdating
ng alas-dose, kailangan nang umalis sa palayan. Noon, 7am-5pm an
gaming pagtatrabaho sa palayan. Ngayon, hindi na namin maabot ang
oras na iyon sa tindi ng init. Gumagamit na lang kami ng payong sa
ulo. Kapag alas-onse masakit na ang araw. Kapag sa hapon, alas-dos
na kami magtatrabaho ulit.
Q5: Anong taon nagkaroon ng matinding init, kung naaalala ninyo
pa?
A5: Noong 1990s, wala pa. Ngayong 2000 umiinit na. Noon, nagsisimula
kami ng 7:00 ng umaga tapos natatapos ng 5:00 ng hapon. Ngayon,
masakit na sa balat kapag mga 11:00 ng umaga.