Mga Salaysay nina Gg. Isagani Molina at RJ de Ramos Kami: Isagani “Ka Gani” Molina, 59 taong gulang, may asawa, apat na anak, naninirahan sa Brgy. Nangka, Marikina, dating magsasaka, naging trabahador sa pabrika ng sinulid at sa kasalukuyan ay nag-o-operate at nagmamaneho ng tricycle, at kabilang din sa Balubad Rescue Volunteers; at, RJ de Ramos, 18 taong gulang, istudyante, naninirahan sa Brgy. Nangka, Marikina ay inanyayahan ni Bb. Veronica “Derek” Cabe”, at kami ay pumayag, na magbahagi ng aming karanasan noong panahon ng super typhoon Ondoy at maging witnesses para sa mga petitioners sa human rights at climate change investigation ng Commission on Human Rights. Si Bb. Cabe ay isa sa mga petitioners. Kinuha ni Atty. Zelda DT Soriano, sa presensya nina Bb. Cabe at Bb. Desiree Llanos Dee, Greenpeace climate justice campaigner, ang aming mga salaysay noong ika-18 ng Mayo 2018 sa opisina ng Greenpeace Southeast AsiaPhilippines na matatagpuan sa Room 201 JGS Building, 30 Scout Tuazon Street, Barangay Laging Handa, Quezon City. Ka Gani: Sanay na po kami sa baha. Pero ang Ondoy, kakaiba. Ito ang unang pagbaha na naranasan namin na umabot sa 2nd floor at bubong ng bahay na halos 30 feet na nga ang taas. Walang tigil ang pag-ulan nang malakas kaya mabilis na tumaas ang tubig. Parang bawat oras, isang piye ang itinataas. Habang baha, walang pagkain, walang inumin, walang mapagpahingahan nang ligtas at tuyo. Nang humupa na ang baha kinaumagahan, nakabalot sa putik at basura ang aming barangay. Mabaho at marumi ang buong paligid. Ilang araw na nakaasa lang kami sa relief goods. Walang kuryente sa loob ng halos isang buwan pagkatapos ng Ondoy. Mabuti na lang at tumulong ang Tzu Chi. Pinalinis nila sa amin ang mga

Select target paragraph3