nawasak at gumuhong kabahayan at binayaran nila kami ng P400/day. Tumulong
din ang local government.
Ang masaklap...pagkatapos ng Ondoy parang naging pangkaraniwan na ang
malalakas na bagyo at matitinding pagbaha. Kahit walang bagyo, napakatindi na
nang pag-ulan at pagbaha nang dumating ang habagat.
Mas mahirap ang buhay dahil sa malalakas na bagyo at matitinding baha.
Nakakaawa ang kinabukasan ng mga anak at apo ko…
Ang mensahe ko lang sa investigation na ito ay kung magagawan ng paraan, dapat
ma-control na ang nagdudulot ng climate change. At kung hindi ma-control, dapat
isara na lang ang negosyo ng malalaking korporasyon na iyan.
RJ:
Grade 4 lang po ako nang mag-Ondoy at nagkaroon ng malaking pagbaha. Buntis
ng 7 months ang nanay ko at tatlo lang kaming nasa bahay. Naglalaba po ako noon.
May narinig kaming “wang-wang” na nagbababala ng baha kaya ipinasok ko pa
ang mga nilabhan. Pero sandali lang pagkatapos ng “wang-wang”, umakyat na
nang hanggang tuhod ang baha.
Umakyat na kaming lahat ng 2nd floor pero inabot na ito ng baha. Kaya itinali na
namin ang aming mga sarili sa isa’t isa tapos may naglagay ng tulay na
nagdugtong sa ibang mas mataas na bahay. Tumawid kami papunta sa kapitbahay
pero maya-maya ay inabot na rin ang aming nilipatan. Naglagay ulit ng tulay
papunta naman sa 3rd floor ng ibang bahay. Tali at tulay ulit kaming lahat
hanggang sa nasa kisame at bubong na kami at ang marami naming mga
kapitbahay.
Parang blangko lang ang nararamdaman ko habang nagaganap ang lahat ng iyon.
Siguro dahil sa sobrang panic, nasa isang sulok lang ako. Minsan tinatanong kp
ang Diyos kung anong mali ang nagawa namin, ng mga taga-Nangka, at bakit
sinasalo namin ang mga ganitong kabigat na problema. Hanggang ngayon kapag
nauungkat ang Ondoy, ninerbyos na ako at nagagalit. Ang hirap-hirap ng buhay, at
sobrang hassles. Walang pagkain, damit, gamit at walang peace of mind. Umaasa
lang sa relief goods. Isang buwan na walang pasok sa school.
Habang lumalaki ako, parang papalala ang sitwasyon.