4 A18: Dati ang isang baka nabebenta namin ng 40,000 hanggang 45,000. Ngayon, 30,000 na lang kasi sobrang payat na, hindi tulad dati. Pati mahirap na rin silang ibenta. Bukod sa baka, may mga kabayo kami na nasa koral (parang rancho). Doon sila nakakulong, malayang kumakain doon. Dati mga labingwalong (18) baka at dalawang (2) kabayo. Ngayon, mga limang (5) baka at isang (1) kabayo. Ngayon kasi natutuyo na iyong mga damo. Dati kasi kahit mga alas-onse ng umaga, malamig pa ang mga damo. Nakakain pa nila iyan. Ngayon nga tuyo na tapos nagsu-supply pa kami ng sapwa ng saging. Nagpuputol pa kami ng sampung (10) sapwa ng saging para makadagdag sa kinakain ng limang (5) baka. At tsaka, paiba-iba na rin panahon ngayon kaya pati ang pagtatanim naiiba, hindi mo alam kung tag-ulan o tag-araw na ba. Q19: Anong epekto nitong mga sinabi mo sa pamilya mo at sa mga katutubo, kung mayroon man? A19: Dahil nababawasan ang ani, napipilitan kami na gumamit ng abono o “fertilizer” na kemikal para makabuhay ng mga tanim. Lumalaki ang gastos... Dati, sapat na iyong “organic fertilizer,” ngayon hindi na po. Nawawalan kami ng makakain din po. Ngayon, hindi na kayang magbigay ng kalikasan dahil sa sobrang init at pabago-bagong panahon. Napipilitan ang mga katutubo na magsunog ng kahoy sa kabundukan para gawing uling tapos ibebenta para makabili ng pagkain. Naapektuhan ang kabuhayan namin, dahil nga katutubo kami, sa bundok talaga tirahan namin. Q20: At sa iyong pag-aaral? A20: Kinailangan pa po akong mag working student. Yung chance na makapag-aral bumaba dahil sa mga epekto ng climate change sa aming kabuhayan at pagdadanso. Hindi naman po dahil lamang sa climate change, marami pang ibang dahilan, kung bakit nagkaganito ang aming buhay. Pero ang climate change ay isa sa mga dahilan ng aming mas mahirap na buhay at bumabang chance na makapag-aral nang full time at maayos. Q21: Sa anong aspeto? A21: Dati kasi pag may kailangan ako sa iskwela, kaya pa naman punan ng magulang ko. May maibibigay sila kasi maganda naman ang ani. Sapat sa pangkain namin at may sobra pa para ibenta. Naalala ko noon, noong nasira iyong inaasahan naming kita sa ani ng kamote dahil sa tagtuyot, wala kaming pera. Nanghiram pa kami sa kapatid ng nanay ko para may ipangbayad sa matrikula at iba pang pangangailangan sa iskwela. Q22: Magkano ang bayad mo sa matrikula? A22: 12,000 pesos po kada semestro.

Select target paragraph3