3
iyon. Pati po iyong mga matatanda sa amin hindi na nakakapag-danso
dahil na rin sa epekto ng sobrang init na wala na silang madanso.
Q12: Ano ang pagdadanso?
A12: Isa siyang katutubong tradisyon na kung saan mga isa hanggang
dalawang linggo (1-2 weeks), kapag wala nang pera sa siyudad,
umaakyat ang mga katutubo sa taas ng kabundukan at doon kukuha ng
makakain— biyaya ng kagubatan. Magdadala lang ng bigas at asin sa
bundok, kahit iyon lang ang dala, pwede na. Pag umakyat ka kasi,
doon na sa bundok mo makukuha iyong ulam mo, sa mga ilog
makukuha mo mga isda. Hindi ka magugutom kasi sa biyaya ng
kalikasan, halos andoon na ang kakainin mo. Dahil kami ay katutubo,
kumukuha lang kami sa sibol, iyon ang kinukunan namin ng tubig
iyong patulo.
Q13: Ikaw ba mismo ay nagdadanso?
A13: Hindi po. Iyong mga matatanda po kasi may mga ritwal po siya. Pero
ako naranasan ko siya kasi sinasamahan ko dati iyong lolo ko sa
pagdadanso.
Q14: Nagagawa pa ba ang pagdadanso?
A14: Hindi na po. Kung mayroon man, madalang na po kasi wala na
gaanong makuha sa kabundukan hindi tulad dati.
Q15: Pero gusto mo bang magdanso?
A15: Opo syempre.
Q16: Bakit?
A16: Tradisyon po… bahagi na ng buhay namin... at ng aming tribo...
parang kulang at hindi kami totoong Aeta kung hindi kami bumabalik
sa kabundukan at kalikasan.
Q17: Sabi mo kanina nagko-contribute ang climate change sa poverty
at nagpapahirap sa inyong buhay at iyong pag-aaral— maari
bang magbigay ka ng halimbawa?
A17: Minsan nakakasama nga po ako pagpupunta sa bundok. Nakita ko na
tuyo na iyong mga ilog. Dati naliliguan pa namin iyon noong bata pa
kami. Hindi pa marumi, hindi tuyot. Iyong mga bato roon hindi na
naabutan ng tubig kasi natutuyot na nga po. Iyong lolo ko may mga
baka. Dati marami siyang baka na sinosoga o pinapastol. Umaakyat
kami kasama iyong mga baka tapos itatali lang sa mga puno doon sa
bundok para kumain doon at uminom sa ilog. Dahil natutuyuan na,
naapektuhan pati iyong mga baka, sobrang payat na.
Q18: Ano naman epekto nito sa inyo?