Photos:
VII - Mga kwento ng mga kababaihan:
Respondent 1
Has 4 kids
Case: BP22
Length in detention cell : 1 yr and 2 months
Isa po akong nurse na naka base sa USA, US citizens po ako, meron po akong HOME HEALTH
company, ito ay nag aaruga ng mga pasyenti na galing sa hospital para sa gamutan hanggang sa maka
recover. Umaabot po ng 150 ang clients ko, meron po akong 27 nurses na nag tatrabaho sa aking
company, labas pasok po ako sa bansa dahil andito ang aking mga magulang, nagkataon po na nag
tiwala ako sa isang kaibigan, ginamit niya po ang aking checking account hanggang sa nagkaproblema,
nung umuwi ako dahil bday ng aking father, di ko po alam na may kaso na pala ako, bigla po akong
dinampot at heto ako, mahirap po ang kalagyan ko dahil sa labas ako po ang palaging nasusunod dahil
ako ang CEO ng aking negosyo, dito kailangan akong sumunod sa ruling, minsan di po ako
naintindihan dahil sabi nila masyado daw akong mataas, di kasi ako manahimik lalo na pag meron na
argabyado sa loob. Ako po ang laging nag reklamo sa pagkain, sa mga pagtatanong sa aming
karapatan, swerti lang po ako dahil malaks ang koneksyon ko sa labas di po ako masyadong
napapagalitan dito sa loob. Nagkagulo poi ang mga anak ko dahil sa responsibilidad at pera, di na po
napangalagaan ang aming negosyo ng maayos, bumaba po ang aming cliente from 160 ngayon ay 15
nalang. Apektado po ang aming financial na sitwasyon. Lalo pong nag si andaran ang aking mga sakit,
meron po akong diabetes, hypertenstion at karamdaman sa puso.
Respondent 2
Has 2 kids
Case: Estafa
Length in Detention cell : 1 yr and 4 months