3 Q9: Bago humagupit ang bagyong Sendong, anong impormasyon, kung mayroon man, ang inyong natanggap? A9: Nabalitaan namin na may paparating na bagyo, pero hindi naman napaintindi sa amin o hindi namin inakala na malakas pala iyon at makakapinsala. Sanay na kami na kapag may bagyo, ulan lang ang epekto nito. Bumaha lang talaga kasi umuulan ng matagal, mula araw hanggang gabi. Sa pagkakatanda ko tuloy-tuloy ang ulan na dala ng Sendong. Malakas ang hagupit ng hangin kaya maraming malalaking torso galing sa bukid ang naanod. Sabi nga nila may pitong buhawi daw ang dala ng Sendong. Q10: Nasabi mong naanod ang bahay niyo na maaaring kasama ang iyong mga magulang at kapatid. Saan kayo tumuloy ng mga kapatid mo sa mga oras na iyon? A10: Sa simbahan po kami nakituloy. Doon na rin kami nag-pasko at nagbagong taon. Dahil naulila na po kami noon, pagkatapos sa simbahan, palipat-lipat na kami ng bahay. Una, nakitira kami sa nirentahang bahay ng tito ko. Isinama kami ng mga kapatid kong maliliit. Pagkatapos, nakitira kami ulit sa bahay ng isa pa naming tito. Tapos, doon na po sa Tent City kung tawagin. Pangapat, nag-rent kami ng isang boarding house. Panglima, nag-rent ulit ng bahay sa Amakan. Tapos, doon na po sa isang boarding house ulit. Ganoon po ang naging buhay namin. Walang permanenteng tirahan. Q11: Saan kayo nakakuha ng pera para may pang-upa sa bahay? A11: Nagtatrabaho ako noon sa Jollibee iyon ang pamabayad ko sa upa ng bahay. Q12: Noong mga panahon na iyon, mga labing-walong taong gulang ka pa lang, sino ang sumuporta at gumagabay sayo at mga kapatid mong menor de edad? A12: Iyong isang kapatid ng papa ko paminsan-minsan binibigyan niya kami ng pera. Pero kami lang talagang tatlo ang palaging magkasama sa iisang bahay. Q13: Paano ang pagkain at mga pangangailangan ninyo? A13: Noong sa Tent City pa kami, iyong mga donasyong bigas at pagkain o pera ang ginagamit namin sa pang araw-araw na pagkain. At noong nakapagtrabaho na ako, ang suweldo ko ang ginamit ko pambili ng pagkain namin at kung hindi po kasya ay uutang ako. Q14: May mga tulong ba kayong natanggap? A14: May mga relief goods na natatanggap noong nasa Tent City kami. May natanggap din kaming donasyon na PhP 50,000.00 galing sa kompanya na pinagtatrabahuan ng kuya ko. Sinasabi nilang i-deposit ko sa bangko pero hindi ko ginawa kasi ginastos na lang namin sa pang-araw-araw na pangangailangan namin. Binili ko ng mga damit ng mga kapatid ko at pinalaro ko roon sa pinaglalaruan ng mga bata sa mall. Gusto ko

Select target paragraph3