2 Nagtatawanan at nagbibiruan pa nga kami. Hindi ko aakalaing iyon na pala ang huling tawa na maririnig at makikita ko sa bahay namin. Q5: Ano ang nangyari noong mismong humagupit ang bagyong Sendong? A5: Noong alas-diyes ng gabi, nagsimula nang umapaw ang baha sa bahay namin. Ginising ako ng mga kuya ko para magligpit ng mga gamit. Noong tumataas ang baha, naisipan naming pansamantalang lumipat sa mataas na bahay. Kami munang mga bata ang nailipat ng kuya ko kasama ang dalawang minor na kapatid ko. Lahat sila below 10 years old sa mga panahong iyon. Dapat kasi batch-by-batch ang paglipat namin kasi lahat po PWD2 at senior ang mga magulang ko. Tanging dalawang kuya ko ang nag-a-assist lang. Paglabas namin ng bahay, hanggang paa pa ang tubig. Habang naglalakad kami, unti-unting umaakyat ang tubig sa tuhod hanggang sa dibdib. Ganoon talaga kabilis ang pagbagsak ng tubig-baha. Bandang 1:00 na ng hating-gabi, nagsimula na ang napakalakas na ulan at mataas na baha. Sobrang malakas na ang agos. Kung i-estimate ko, lagpas 2nd floor ng bahay namin. Kinumusta kami ng Kuya ko sa kapitbahay naming kung saan kasama rin naming nag-transfer doon sa bahay. Noong umaakyat na ang baha, hindi ko na maiwasang mangumusta sa kanila. Pinakumusta ko sila sa kapitbahay ko kaso hindi sila nagre-reply. Nagtataka ako paano nila naiakyat ang mga magulang ko kasi nga lahat po sila may kapansanan. Doon na sila nasama sa baha. Q6: Paano sila nasama sa baha? A6: May nakapagsabi sa amin na naisama sa baha ang bahay namin simula noong tamaan ito ng malalaking troso galing sa bundok. Siguro iyon ang rason na naanod sa tubig ang pamilya ko. Maaari ring tinamaan sila mismo ng troso habang naaanod sa tubig. Q7: Noong umaga pagkatapos ng insidenteng iyon, ano ang nangyari sa inyo ng mga kapatid mo? A7: Pagkaumaga, naglabasan na kami ng bahay kung saan kami tumuloy ng mga kapatid kong maliliit. May mga nadadaanan kaming mga bangkay. Hinanap ko mga magulang ko at mga kuya ko pero hindi ko sila makitakita. Nagtanong ako sa kakilalang rescuer. Pero, negative ang feedback nila. Sabi sa amin ng kapitbahay naming na kakalabas ng ospital, siya kunumpirma na nasama ang pamilya ko sa pagbagsak ng bahay na pinapatungan nila Q8: Nakita mo ba ang mga bangkay ng nawawala mong kapamilya? A8: Wala po. Ni-isa sa katawan nila hindi namin nakita. Kabilang sila sa maraming taong nabalitang nawawala o missing. 2 People with disability

Select target paragraph3