LAYUNIN NG IP HRO-PALAWAN 1) Mapagkaisa ang mga Tribo sa Palawan [hindi lamang sana ang tatlong (3) tribo kundi ang lahat ng pitong (7) tribo] ahensyang gobyerno, LGUs, CHR at NGOs kung ano-ano ang mga problema ng mga Tribo at isang 2-3 na taong plano upang matugunan ang mga problemang ito; 2) Makagawa ng sistema upang magkaroon ng maayos na datos o impormasyon na magagamit upang i-monitor ang implementasyon ng pagresolba ng mga problema ng mga IPs sa Palawan; 3) Makapili at maka endorso ang mga Tribo ng mga abogadong bibigyan ng training [dahil hindi lahat ng abogado ay mayroong kaalaman sa arbitration and mediation] sa Tagapamagitan (Mediation) at Tagapakasunduan (Arbitration) upang makatulong na ayusin ang mga kasong saklaw ang isang IP at non-IP; 4) Makapagtayo ng isang WORKING GROUP na magsisiguro na maipatutupad ang mga plano; - p‟wedeng kasama ang mga CSOs at ang kumpanya Atty. Torres: Ang salitang Mediation at Arbitration ay teknikal na salita. Ang ibig sabihin ng “Mediation” ay mayroon lamang isang tao na namamagitan. Ito ay nasa “middle” o pumapagitna. Halimbawa ang Tagbanua ay may isyu sa isang kumpanya, mayroon tayong isang matatawag ng pulong na kagaya ng CHR. Mediation Set-up: Tagbanua CHR (Mediation) Company A Atty. Jess Torres Chief ESCR Ang gagawin ng Mediator ay kukumbinsihin n‟ya kung anong kalakasan at kahinaan ng magkabilang grupo. Hindi po gagawa ng desisyon ang Mediator, s‟ya po ay magpa-facilitate lamang. Samantalang ang sa “Arbitration” naman ay kinakailangan nang mag-desisyon ng taong pumagitna o ang Mediator. Base ito pinagkasunduan ng dalawang partido o ayon sa pag-sangayon ng dalawang partido. IP Decision (Arbitration) NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Non-IP Page [53]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents