- - - Kailangan ang mga IPMRs ay guided sa mga sitwasyon ng komunidad. Ang kanilang representasyon ay batay sa sitwasyon at batay sa katotohanan (evidencebased) Dahil sa Unduran nagkaroon ng pagbabago. Mahihirapan tayong lahat. Hindi kultura ng mga IPs ang pumunta sa korte, hindi naka-sanayan na magpunta sa korte at mabagal talaga ang ating korte. Ang arbitration and mediation ay s‟yang gumigitna sa kaguluhan. Dapat mayroong pagkakatiwalaan. Dapat mayroong magreresolba. Q, Participant: Ano ang sagot sa diskriminasyon? A, Mr. Cabonegro: Ang dapat ay edukasyon. Mga edukasyon sa teknikal katulad ng legal, proseso ng gobyerno, etc. Q, Participant: Ang kahirapan ang ugat upang hindi makapag-aral ang mga anak. Tumutulong sa mga gawain at „yun ang uunahin kesa sa edukasyon. Bigyan na lamang ng libreng pag-aaral ang lahat ng Katutubo. A, Mr. Cabonegro: Ito po ay isang pamamaraan na makikita nating may pagbabago, ang mungkahi namin ay… Porsyento (%) ng ADs na: a) may IP Schools na may IP Teachers at gumagamit ng salita ng tribo, b) ginagamit na Tribal Hall sa tamang paggamit, c) katutubong kaalaman na naitala at pagmamayari ng tribo, d) iba pa... P‟wdeng dagdagan ito ng: libre, fully funded, simula elementary hanggang college ba dapat? II. INPUT: Ano at Paano itatatag ang IP HRO-Palawan? Ang Obserbatoryo at "atin" tulungan n'yo lamang po kaming i-conceptualize. Ang mga ibabahagi namin ay mga ilang ideya namin at hindi pa alam kung anong final na hitsura. Mungkahi: OBSERBATORYO NG KARAPATANG PANTAO NG MGA TRIBO SA PALAWAN (IP HRO-PALAWAN) SOSYOHAN NG CHR, MGA TRIBO, GOBYERNO AT NGOs UPANG MA RESPETO, MA PROTEKSYONAN AT MAISAKATUPARAN ANG KARAPANG PANTAO AT KARAPATAN NG KATUTUBO Hindi lamang dapat na CHR at kayo, dapat ay kasama ang mga ibang ahensya ng gobyerno at iba pang NGOs. P‟wedeng pumagitna ang CHR. Magpulung-pulong, balikan ang mga plano at magkaroon ng singilan. NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [52]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents