A, Mr. Lilang: Hanggang wala akong makikitang papel ay hindi ko p‟wedeng paniwalaan. Ang batas namin ay hindi kami p‟wedeng magpatitulo sa timberland, bagamat hindi ko sinasabing walang nangyayari. Ang titulo ang magpapatunay na s‟ya ang may-ari noon. Monico Bilig: Ipa-xerox ko na lamang po ang titulo at hiramin ko sa kanila. Idadala ko sa inyo. Para naman kay Atty. Chan, saan pong City Nickel ang nasaraduhan sa Narra po ba? A, Atty. Chan: Pareho. Napahinto natin „yan at nag-file sila ng apila at dahil dito pinayagan silang mag-mina doon sa stockpile na nakuha na nila. Nangyayari talaga „yan sa ibat ibang ahensya. May order of suspension ang Española at ang Narra na City Nickel. Pero ang interpretation ng MGB kapag may apila tuloy lamang sila, balik sa status quo. Maling interpretation. Na-question na natin „yan pero nakabinbin na ito sa Office of the President. Kapag nakita ninyo sila na naghuhukay ng panibago „yun ang mali. Monico Bilig: Ubos na ang stockpile nila. Bago na po ang ginagawa nila. Tinanong ko na si Mr. Sanga, ang sinabi sa akin hindi kaya ng NCIP na pahintuin ang City Nickel. Para kay Atty. Agusti hindi n‟yo ba talaga kaya na pahintuin ang City Nickel? A, Atty. Agusti: Nag-file na tayo ng cancellation of COC para sa City Nickel noong 2014 at sa kasamaang palad naka-binbin pa rin ito. Wala pa rin pong desisyon nag Clerk of Commission. A, Joel Limsa: Ngayong 18th maglalabas ang Clerk of Commission ng NCIP sana lamang ay favorable sa atin ang desisyon. Q, Renoso Cereno: Para sa NCIP, ang ibang IP ay hindi alam ang ibang kultura ng ibang IP pero ito ay mga IPMR na. Mayroon po ba kayong magagawa dito? A, Atty. Agusti: Nagkaroon po tayo ng bagong National Guidelines, ang panukala po namin doon ay maging AD-based ang mga IPMR. Sa ngayon ang sinasabi ay kung ilan ang grupo ng Katutubo ay mayroon silang karapatan na magpa-upo ng sarili nilang IPMR. Nasa inyo ngayon kung papaano kayo magkakaroon ng term-sharing o magpa-ikot ng inyon sariling IPMR. Kung Gabay ang pag-uusapan dapat ay may malinaw kayong Gabay, maliban sa Gabay ng bawat tribo sa pag-pili. Bago matapos ang termino ng mga nasa Komisyon ngayon, ay lalabas na ang bagong Gabay. Sana lamang ay nandoon ang panukala na maging AD-based at masagot ng maayos ang tanong ninyo. Sa Busuanga Coron ay mayroon Cunuyunin, Cagayanen, Agutaynen pero ang Tagbanua lamang ang nakaka-upong IPMR doon. Dahil „yun ang usapan nila doon. May national guidelines pero may kalayaan kayong gumawa ng local guidelines ninyo. NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [40]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents