indibidwal na karapatan. Mag-usap usap kayo at tingnan ninyo kung ano ang gusto ninyong isulong. Ang mga nagpatitulo na sa DENR ay dapat nakapag-file na rin kayo ng adverse claim. Wille Tiugon: Para nga sana mas maayos pangunahan na ng NCIP na tumulong sa pagkansela ng mga na-isyuhang titulo. Ang Problema namin kapag nag-pwesto kami doon baka dumanak ng dugo. A, Atty. Chan: Hindi totoo ang pag-danak ng dugo. Sa tagal ng PNNI walo (8) pa lamang ang namatay at ito ay tunay na mababait na tao pero walang dumanak na dugo. Papatayin mo ang naitanim namin na kaunting lakas ng loob sa mga Katutubo para ipag-laban ang karapatan ninyo. At tuwing may gagawin kayo ay sasabihin ninyo na may dadanak na dugo. Hindi totoo ito. Maraming pagkakataon na kapag ipinaglalaban natin ang ating karapatan ay ay kailangang makipag-kompronta at makipag-away. Kapag nanghuhuli kami ng chainsaw at kahoy ni Gov hindi naman dumanak ang dugo naka-tawa ang mga tao namin at tao ni Gov. Q, Sapdul Guinto Jr.: Tanong ko sa PENRO kung kami ay kukuha ng ani at pupunta sa inyong tanggapan na walang pang ADSDPP. Kami ba ay malayang makaka-kuha ng mga produktong ikinabubuhay namin na hindi matatakan ng tiwalag? A, Mr. Lilang: Ang ADSDPP ninyo ay kailangan ninyo sa lupaing ninuno ninyo upang ang hindi naka-sulat ay maisulat. Ang native title ninyo ay ma-formalize sa issuance ng CADT. Kahit wala pa ang CADT at ADSDPP ang sabi ng ani Atty. Chan ay dapat ipaglaban na ninyo ito at gumagana na ito. Kailangan n‟yo ang titulo dahil kung may dumating kayong kalaban sa taga-labas at sa kailangan sa korte ay may maipapakita kayong opisyal na dokumento. Additional, Participant: Nakasama ako sa pag-gawa ng ADSDPP sa Rizal. Sinamahan nila ng resolution na bawal ang pumasok sa nasasalupang ng CADT na makakasira ng mga lupaing ninuno. Isang malakas na pagpapatibay para maproteksyunan ang inyong lugar. A, Atty. Chan: Ang ADSDPP ay wala kayong forest charge kung ito ay gagamitin ninyo para sa inyo lamang. Pero kung commercial na ito ibang usapan na. Ihiwalay lamang ninyo. Q, Monico Bilig, Malinaw Narra: Tanong sa PENRO tungkol sa aming lupa sa Malinaw Narra, 60 hectares ito at marami kami. Tatlong bese na itong na-survey pero hindi na aprubahan dahil sakop dawn g timberland. Bakit hindi ma-approve samantala ang isang taong Cuyunin, na si Anastacio Magbanua ay may titulo? Ang kay Delerio at Nelson Rodriguez ay sakop rin ng timberland pero may titulo. Kaming mga Katutubo ay ayaw bigyan ng titulo? Anong magandang paraan para kami mabigyan? NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [39]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents