6/9/2020
E-Library - Information At Your Fingertips: Printer Friendly
sila ay magbabayad ng sapat na salapi. Upang mapaniwala sila, ang mga
may masasamang tangka ay nagpapanggap na sila ay malakas at may
koneksyon sa mga Embahada ng mga bayang ito. Hindi lamang madudulas
ang kanilang dila. Umaasta silang maykaya. Naroong sabihin na nakatira sila
sa otel o pook ng mayayaman. Kapag nakikipagkita sa kanilang kliyente ay
magara ang suot at nakakotse. Anupat ang mga pobreng nangangarap ay
gagawin ang lahat ng makakaya upang makapagbayad ng hinihinging
pamasahe sa eroplano.
Kadalasan ay nangungutang sila o ang mga magulang nila sa 'sinco-seis;' o
dili kaya'y nagsasangla ng lupain o nagbibili ng mga ari-ariang gaya ng
kalabaw. Kanila namang nahihimok ang kamaganakan nila na tumulong
sapagkat nangangakong magpapadala ng higit na maraming kuwarta na
pambayad sa kanilang utang o dili kaya ay pampaaral sa mga nakababatang
kapatid.
Sa oras na nakapagbitiw ng salapi ang biktima, ang manlilinlang ay dagling
nawawala na parang bula. Sapagkat karamihan sa kanila ay 'illegal recruiter'
at walang lisensya sa Philippine Overseas Employment Administration
(POEA), hindi na matutunton ang kanilang bakas.
Totoong napakarami na ang ating kaawa-awang kababayan na
napagsamantalahan na ng gayon. Nakalulungkot na kahit na magbabala ang
pamahalaan at ang mga opisinang kinauukulan, hindi rin dinidinggin ng mga
nais na mapabuti ang kalagayan nila sa buhay sa pamamagitan ng
pangingibang bayan.
Napapanahon nang iparating sa mga salarin na iyan na hindi pahihintulutan
ng pamahalaan ang gayong malawakang pangloloko sa mga maralita na
masasabing ang kasalanan lamang ay 'naghangad ng kagitna, isang salop
ang nawala." Kami ay maaasahang magpataw ng akma at nauukol na
parusa na bilanggo habang buhay at multa sa halagang Isang Daang Libong
Piso (P100,000.00) sa katulad ng nasasakdal sa kasong itong nakasalang sa
Kataastaasang Hukuman ngayon. Umaasa kaming ito ay magsisilbing
halimbawa sa mga walang awa nating kababayan na patuloy ang gawang
panlilinlang sa kanilang kapwa Pilipino."
WHEREFORE, the judgment of the trial court finding Dolores de Leon GUILTY beyond
reasonable doubt of the crime of illegal recruitment in large scale is hereby
AFFIRMED.
SO ORDERED.
Regalado, (Chairman), Puno, Mendoza, and Torres, Jr., JJ., concur.
[1] TSN, December 7, 1992, pp. 17-20.
[2] TSN, Ibid., pp. 21-22 and 24.
elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocsfriendly/1/34466
6/7