6/9/2020 E-Library - Information At Your Fingertips: Printer Friendly sila ay magbabayad ng sapat na salapi. Upang mapaniwala sila, ang mga may masasamang tangka ay nagpapanggap na sila ay malakas at may koneksyon sa mga Embahada ng mga bayang ito. Hindi lamang madudulas ang kanilang dila. Umaasta silang maykaya. Naroong sabihin na nakatira sila sa otel o pook ng mayayaman. Kapag nakikipagkita sa kanilang kliyente ay magara ang suot at nakakotse. Anupat ang mga pobreng nangangarap ay gagawin ang lahat ng makakaya upang makapagbayad ng hinihinging pamasahe sa eroplano. Kadalasan ay nangungutang sila o ang mga magulang nila sa 'sinco-seis;' o dili kaya'y nagsasangla ng lupain o nagbibili ng mga ari-ariang gaya ng kalabaw. Kanila namang nahihimok ang kamaganakan nila na tumulong sapagkat nangangakong magpapadala ng higit na maraming kuwarta na pambayad sa kanilang utang o dili kaya ay pampaaral sa mga nakababatang kapatid. Sa oras na nakapagbitiw ng salapi ang biktima, ang manlilinlang ay dagling nawawala na parang bula. Sapagkat karamihan sa kanila ay 'illegal recruiter' at walang lisensya sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), hindi na matutunton ang kanilang bakas. Totoong napakarami na ang ating kaawa-awang kababayan na napagsamantalahan na ng gayon. Nakalulungkot na kahit na magbabala ang pamahalaan at ang mga opisinang kinauukulan, hindi rin dinidinggin ng mga nais na mapabuti ang kalagayan nila sa buhay sa pamamagitan ng pangingibang bayan. Napapanahon nang iparating sa mga salarin na iyan na hindi pahihintulutan ng pamahalaan ang gayong malawakang pangloloko sa mga maralita na masasabing ang kasalanan lamang ay 'naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala." Kami ay maaasahang magpataw ng akma at nauukol na parusa na bilanggo habang buhay at multa sa halagang Isang Daang Libong Piso (P100,000.00) sa katulad ng nasasakdal sa kasong itong nakasalang sa Kataastaasang Hukuman ngayon. Umaasa kaming ito ay magsisilbing halimbawa sa mga walang awa nating kababayan na patuloy ang gawang panlilinlang sa kanilang kapwa Pilipino." WHEREFORE, the judgment of the trial court finding Dolores de Leon GUILTY beyond reasonable doubt of the crime of illegal recruitment in large scale is hereby AFFIRMED. SO ORDERED. Regalado, (Chairman), Puno, Mendoza, and Torres, Jr., JJ., concur. [1] TSN, December 7, 1992, pp. 17-20. [2] TSN, Ibid., pp. 21-22 and 24. elibrary.judiciary.gov.ph/thebookshelf/showdocsfriendly/1/34466 6/7

Select target paragraph3