Message of Atty. Robert A. Chan PNNI (Palawan NGO Network, Inc.) agandang umaga nagkita-kita na naman po tayo. Nandito rin yata ako noong nakaraang GA ninyo at nagtanong ako, “Ano ba ang pinaka-mabigat na problema ng ating probinsya?” Tatlo (3) po: 1) Enhanced National Integrated Protected Areas System (ENIPAS) – ang limang (5) protected area natin ay kinuha mula sa Palawan at pilit na inilalagay sa PCSD. Ang ENIPAS Bill – ay hindi pa nagagawang isalin ang limang protected area sa kung saan ay si Gov. JPA (Jose P. Alvarez) ang Chairman. Kailangan nilang gumawa ng limang (5) Independent Bill upang isalin ito. Kinailangan gawin ito dahil sa pag-upo ng PNNI sa TWC ng Congress at hindi pa ito nangyayari sa ngayon. 2) Paghahati ng Palawan sa tatlo (3) – sa year 2020 ito ay magkakaroon ng isang plebisito. Ito ay hindi pa rin nangyayari. (HB7413 Filed by Representatives Franz Josef George E. Alvarez, Frederick F. Abueg and Gil P. Acosta) 3) Co-management Bill MOA – signed by ex-DENR Sec. Gina Lopez and Gov. JPA last 2017. Ito ngayon ay nangyayari na. Ang nasa loob ng MOA ay kinakailangan ng Management Plan. Nakita n‟yo na ba ang Management Plan ng Gobernador at ng PCSD (Palawan Council for Sustainable Development)? Ito ay galing sa MOA na mayroong 120pages. Ano ang laman ng MOA? Tatlong malalaking probisyon: a) Pagdami ng Plantasyon – coconut, cacao, kawayan, kape, palm oil b) Pagdami ng daan sa loob ng kagubatan c) Paggawa ng Housing para sa mga Katutubo upang bumaba kayo sa kabundukan Ang nakikita lamang natin ay ang mga problema pero hindi ang mga sanhi ng problema. Ang dapat gawin ay ang iboto ang mga taong salungat sa sanhi. Tingnan ninyo kung sino ang mga kadidatong hindi sang-ayon sa paghahati ng Palawan, hindi sang-ayon sa ENIPAS na isalin sa PCSD at hindi sang-ayon sa Co-Management MOA [hindi ako nangangampanya]. Kung hindi natin ito makikita ay patuloy tayong hahanap ng mga alternatibo at kung hindi ay palagi tayong naka-tuon sa mga problema at hindi hinahanapan ng solusyon ang sanhi nito. Salamat po. NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [28]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents