Pagbati ni Amay Rogelio “Ompong” Rodrigo Tagbanua Tribe, Palawan alamat at tayo ay naka-buo ng tatlong (3) mga tribo mula sa Tagbanua, Batak at Palaw‟an. Nakakalungkot lamang at tayo ay hindi na marunong magsalita ng ating mga lingwahe. Ang mga bagong sibol wala ng alam. Ang panawagan ko lamang ay huwag kalimutan ang ating sariling wika. Binabati ko lamang po ang ating mga abogado na nandito, si Atty. Chan, Atty. Jofi, Atty. Grace at ang ating taga-DENR na si Johnny Lilang. Kasama po natin s‟ya noong mabuo ang Task Force para sa Ancestral Domain sa ilalim ng “Dautu” (?). Noong nandoon kami sa Rizal, masakit ang sinabi ng Vice Mayor, kay Fr. Arman, sinabi na “Huwag kayong maniwala kay Fr. Limsa nagpapayaman „yan.” Kasama ang ating mga abogado, mag-kaisa tayo patungo sa ating layunin na makamit ang karapatan ng mga Katutubo. Salamat po sa inyo. Message of Mr. Johnny Lilang DENR-PENRO, Land Management Dept. ng dating CENRO ng Palawan ay pito (7) sa ngayon ay anim (6) na lamang. Ang CENRO ng Narra ay pnaghatian ng Puerto at ng Quezon. Kung kayo ay taga-Narra ang DENR Office ay nasa Quezon na. Kung kayo naman at taga-Aborlan ang transakyon ay dito na sa Puerto. Ang interes ng DENR ay ang pag-kumpleto ng Ancestral Domain dito sa buong probinsya. Katatapos lamang pag-usapan ang FLUP (Forest Land Use Plan) sa Aborlan. Ngayon taon po ay sampu (10) ang pinagusapan at kinukumpleto ang basic list at alam natin na malaking bahagi rito ay nasa lupaing ninuno. Ayon sa ating plano ay kung ano lamang ang naka-lagay sa ating ADSDPP ay irerespeto ng FLUP ng DENR. Ang FLUP ay hindi sa DENR, kami po ay tumutulong lamang para sa pag-plano sa Munisipyo. Ang expectation ng DENR ito ay matapos para magkaroon ng gabay. Kapag ang mga lupain dito ay na-certify na ng NCIP ito po ay igagalang ng FLUP. NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [29]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents