Sa Rizal ay mayroong tatlong (3) IP communities at sampung (10) barangays: Antipolo, Montalban at Tanay.  Isantabi ang mga pansariling karapatan. Ang pangkalahatang karapatan ang mahalaga. Huwag ninyong bitawan ang mga customary law ninyo dahil ito ay mawawala. Sa isang lugar ang ginawa namin ay ang ibang klaseng delineation. Delineation o ang paghihiwalay ng mga trabaho ng: - IPS (Indigenous Political Structure) - IPO (Indigenous Peoples‟ Organization) - IPMR (Indigenous Peoples Mandatory Representative) Kapag nag-aaway away na ang mga Katutubo dahil sa hindi pagkaka-unawaan ang mga “buwitre” na nasa labas ay makaka-kita ng isang magandang oportunidad. Huwag nating hayaan ito. Salamat po. Message of Atty. Kaherine Grace Lumilis ELAC (Environmental Legal Assistance Center) agandang umaga po ang iba sa inyo ay naabot na ng mga proyekto ng ELAC. Ang ELAC po ay tumutulong sa mga problema sa Palawan lalo na ang problema ng mga Katutubo. Ako po ay isang Katutubo rin mula sa Mindanao, Subanon Tribe. Ang isa sa aming mga proyekto ay ang pag-pigil sa mga minahan at mga plantasyon na nakaka-apekto sa lupaing ninuno. Marami na sa aming mga kaso na isinampa ay ay ang mga kumpanya na pumasok sa mga lupaing ninuno. May mga taga-Ransang na kaming natulungan. Kami po ay nasa Southern part of Palawan kung magtatanong po ang mga taga-Central at mga taga-North. Ang mga tinututukan namin ay ang mga paglabag ng mga kumpanya at mga tao sa komunidad. Kung may mga personal na kaso po, kami ay tumutulong sa abot ng aming makakaya. Kami rin po ay nagbibigay payo at nare-refer na lamang sa iba pang mga abogado. Salamat po. NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018 Page [27]

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents