Salaysay ni Gg. Ernesto C. Cruz Ernesto C. Cruz, 52 taong gulang, tubong Mandaluyong at National President ng National Confederation of Transportworkers’ Union (NCTU). (Ang Salaysay ni Gg. Ernesto C. Cruz ay kinuha noong ika-05 ng Marso 2018 sa sa Franz Smoke ‘N Grill, 93 Scout Delgado St., Brgy. Laging Handa, Diliman, Quezon City, noong ika-13 Marso 2018 sa Wheatberry 80 Scout Castor Street, Diliman, Quezon City, at noong ika-16 Marso 2018 sa telepono, nila Attys. Zelda DT. Soriano at Hasminah D. Paudac, kasama sila Bb. Anna Dominique Esmeralda at Bb. Veronica Cabe, isa sa mga naghain ng Petisyon.) Q1: Ano po ang kasalukuyan ninyong kabuhayan o ginagawa? A1: Ako po ay National President ng National Confederation of Transportworkers’ Union (NCTU). Bukod rito, ako po ay drayber ng jeep at operator. Q2: Gaano na po kayo katagal sa pagmamaneho ng jeep at anong rota? A2: Mula 2004 pa. Starmall-Crossing-Kalentong ang biyahe. Q3: Paano po kayo napasok sa ganitong hanapbuhay? A3: Pagkatapos ko mag-aral, nag-abroad ako. Noong nakaipon ng kaunti, umuwi ako at bumili ng jeep pampasada. Doon na nasentro ang buhay ko sa pagmamaneho ng jeep. Q4: Hanggang ngayon po ba ay namamasada kayo? A4: Oo, tuloy pa rin. Q5: 14 years of driving -- bigyan n’yo po kami ng ideya kung paano ang buhay-driver? A5: Mahirap… mas mahirap nga kumpara noong nagsisimula pa lang ako… iba na ang panahon. Unang-una na, dahil sa tindi ng init ngayon, nababawasan iyong oras ng pagmamaneho ko. Noong nagsimula ako noong 2004, kaya ko ang buong araw na biyahe. 12-14 na oras kayang-kaya pa yan. Ngayon dahil sa sobrang init ng panahon, iba na sa pakiramdam pag pinilit kong gawin ang mahabang biyahe. Q6: Ano po ang epekto nito sa inyo, kung mayroon man? A6: Dahil nababawasan oras ng biyahe, minsan kalahati na lang ang biyahe kaya iyong kita bumaba rin. Siyempre bukod ito sa “traffic,” baka kasi iyan ang ilusot ng mga kapitalista. Pagnagkakakwentuhan nga kami sa terminal namin sa Starmall, napapag-usapan namin iyong sobrang init nga ng panahon. Iyong iba kasi sa amin talagang napipilitan pa rin bumyahe ng mahaba para mas okey ang kita. Kaso

Select target paragraph3