Mga Salaysay nina Gg. Manuel A. Abinales, Gg. Pablo Taon III at Gng. Francia M. Encinas Kami: Manuel “Ka Noli” A. Abinales, 70 taong gulang, dating church worker na naging community organizer, rescuer, at founder ng Buklod Tao, gumagawa ng bangka, tubong Maynila, at sa kasalukuyan ay naninirahan sa Brgy, Banaba, San Mateo, Rizal; Pablo Taon III, 47 taong gulang, dating nananahi at nagre-repair ng damit, sa kasalukuyan ay Tagapangulo ng Buklod Tao, may asawa at dalawang anak, naninirahan sa Brgy. Banaba, San Mateo, Rizal; at, Francia M. Encinas, 52 taong gulang, biyuda, may tatlong anak, naninirahan sa Brgy. Banaba, San Mateo, Rizal, at sa ngayon ay nangangasiwa ng pinansyal at mga administratibong gawain ng Buklod Tao ay inanyayahan ni Bb. Desiree Llanos Dee, at kami ay pumayag, na magbahagi ng aming karanasan noong panahon ng super typhoon Ondoy at maging witnesses para sa mga petitioners sa human rights at climate change investigation ng Commission on Human Rights. Si Bb. Llanos Dee ay climate justice campaigner ng Greenpeace Southeast Asia (Philippines); at ang Greenpeace ay isa sa mga petitioners. Kinuha ni Atty. Zelda DT Soriano, sa presensya ni Bb. Llanos Dee ang aming mga salaysay noong ika-18 ng Mayo 2018 sa opisina ng Greenpeace Southeast Asia-Philippines na matatagpuan sa Room 201 JGS Building, 30 Scout Tuazon Street, Barangay Laging Handa, Quezon City. Ang Buklod Tao ay isang non-profit na organisasyon na nakabase sa San Mateo, Rizal na may misyon na paunlarin ang kamalayan, kahandaan at kapasidad ng mga mamamayan sa panahon ng mga kalamidad. Itinayo ito noong 1993 sa inspirasyon ng pagkakaisa ng mga mamamayan sa Brgy. Banaba, San Mateo, Rizal na noon ay lumaban para sa karapatan sa lupa at kagalingan ng komunidad. Ka Noli: Saksi po ako sa mga siklo ng mga bagyo, natural disasters at delubyo. Kada sampung taon tila may malaking kalamidad na dumarating. Pero ang Ondoy ay sumira ng siklo—wala itong kaparis sa tindi at lakas sa mga naunang kalamidad— at parang nagpasimula ito ng panibagong siklo ng mas malalakas at mas matitinding pag-ulan, pagbaha at mga natural disasters. Noong ginawa ko ang unang bangka, ang layunin ko ay para gamitin ito sa pagliliwaliw habang minamasdan ang noon ay napakaganda at malinis pang Ilog Marikina na dumudugtong sa Ilog Pasig na ang isang dulo ay lumalabas sa Lawa ng Laguna at ang kabilang dulo naman ay sa Lawa ng Maynila. Pero nang lumaon ay nagamit ito sa pagre-rescue ng mga nabahura, na-stranded at naapektuhan ng mga baha, bagyo at iba pang disasters, na masasabing mga

Select target paragraph3