6 Ang nangyayari, biktima na nga kami ng pagbabago ng klima… papatayin pa nila kami sa kawalan ng hanap-buhay namin sa dagat. Q19: Mayroon pa po ba kayong nais sabihin bukod sa inyong nasabi na? A19: Kung maayos lang ang pangisdaan ngayon, hindi kami magiging problema ng gobyerno kasi kaya naming mabuhay sa pangingisda. Ang amin lang, gusto naming malutas ang problema. Pagbayarin o panagutin ang may-sala. Itong malalaking industriya na nagbubuga ng karbon, dapat bawasan nila ang paggamit ng panggatong na langis at uling, pangunahan nila ang rehabilitasyon. Itong problema sa coral bleaching at ocean acidification… pag-init ng tubig… pagbabago ng panahon… pagkakait ito sa karapatan naming mga mangingisda mabuhay at karapatang manirahan sa tabing dagat. Nakakatakot dumating iyong panahon na kakaunti na lang ang mangingisda dahil sa hirap ng kalagayan ng pangingisda ngayon. Q20: Handa po ba kayong panumpaan ang salaysay niyong ito kung kinakailangan? A20: Oho. _________________________ Pablo R. Rosales 09 Mayo 2018

Select target paragraph3