4
doon naman bumababaw. May mga lugar na tumaas ang tubig… sa
Bayan ng Obando… ang dating 2nd floor nila ay naging 1st floor kasi
umangat na ang tubig. Hindi namin maintindihan kung bumababa ang
lupa o tumataas ang tubig…
Bukod dito, iyong pag-init ng dagat. Napansin din namin ang madalas
na pagkamatay ng mga isda na wala namang pumapatay. Iyong
pagbabago ng timpla ng tubig nagdulot ng pagkamatay ng mga isda o
iyong tinatawag namin na laginglin (fish kill). Nangyayari yan sa
buwan ng Mayo. Napagtanto namin na dahil na rin sa grabeng init
nangyayari itong laginglin. Iyong ibang isda na nabubuhay dahil
mabilis sila makalayo, pero iyong mga mabagal lumangoy at iyong
mga alimasag na hindi makalayo agad, namamatay sila. Dahil dito,
bumabaho ang tubig o dagat.
Kung maaalala ninyo pa noong 1990s nagkaroon ng “red tide”…
bihira lang iyon dati. Ngayon, naging normal na. Halos taon-taon na
siya.
Q13: Ano naman po, kung mayroon man, ang naging epekto nito sa
inyong kabuhayan bilang mangingisda?
A13: Ang laking kabawasan sa kita. Nababaon kami sa utang dahil ang mga
mangingisda nakakapit iyan sa mga konsignasyon. Doon namin
binebenta iyong mga huli namin. Pag walang huli, nangungutang
kami sa kanila. Dahil nga may utang kami, sila ang nagdidikta ng
presyo ng mga huli namin kasi nga inutangan namin.
Bukod dito, dahil napakalaking binaba ng mga huli na isda at mahirap
na ang pangingisda ngayon, ang mga anak ko ay lumaki na natakot sa
pangingisda. Sinilang sila noong yugto na kawalan na ng isda…
mahina na… wala nang sumalo sa hanap-buhay namin. Hindi lang sa
akin nangyayari ito… pati sa ibang mangingisda rin na kasapi ng
aming samahan. Dahil sa kahirapang dinudulot ng kawalan ng isda…
ito ay nagdulot ng pagtanggi ng mga kabataan o mga anak ng mga
mangingisda na mangisda at ipagpatuloy ang pangingisda.
Q14: Nabanggit ninyo po na kayo po ay Tagapangulo (Chairperson) ng
Pagkakaisa ng mga Samahang Mangingisda (“PANGISDAPilipinas”). Gaano na po kayo katagal sa posisyong ito?
A14: Dalawang (2) taon palang po.
Q15: Gaano po karami ang inyong miyembro?
A15: Humigit-kumulang sampung libo (10,000).
Q16: Bilang Tagapangulo ng Pangisda Pilipinas, napag-uusapan ninyo
po ba itong isyu sa pagbabago ng klima at epekto sa inyong mga
kabuhayan bilang mangingisda?
A16: Oho.