Salaysay ni Arthur S. Golong
Arthur S. Golong, 42 taong gulang, taga Habitat for Humanity Village,
Brgy. 106 Sto. Niño, Tacloban City.
(Ang Salaysay ni Arthur S. Golong ay kinuha noong ika-5 ng Hulyo 2018 sa
sa Hotel XyZ, P. Zamora St., Tacloban City, Leyte. Ang Salaysay ay kinuha ni
Atty. Hasminah D. Paudac, kasama si Bb. Desiree Llanos Dee.)
Q1: Ano ang kasalukuyan mong ginagawa o kabuhayan?
A1: Ako po ay Presidente ng Homeowners sa aming lugar, namamahala
rin ng salon sa aming bahay, at Administrative Aid I sa tanggapan ng
Vice Mayor ng Tacloban.
Q2: Ikaw ba ay tubong Tacloban?
A2: Dati akong taga Samar. Lumipat kami ng Tacloban noong 1986 sa
kadahilanan na sa Samar kasi maraming NPA. Noong nasa Samar
kami, medyo maganda ang kabuhayan namin. Kumakain naman kami
ng tatlong beses sa isang araw. Kaso, magulo kasi doon dahil sa mga
NPA kaya kami lumipat sa Tacloban. Grade 4 ako noon, mga 9 years
old. Pero nakipagsapalaran ako sa Maynila noong mga 14 years old
ako. Naging kasambahay hanggang namasukan sa parlor.
Q3: Paano mo ilalarawan ang Tacloban noon?
A3: Maganda pa dati. Kumukuha ako ng kangkong sa may fisherman’s
village. Noon, parang hindi pagod ang mga tao. Marami ang fruit
berries noong araw. Masagana pa. Mga wild fruits na pwede makain.
Dati hindi rin ganoon kadalas umulan. Hindi ako nakaranas ng
bagyong malalakas. First time talaga iyong Yolanda.
Q4: Nasabi mong umalis ka sa Tacloban upang makipagsapalaran sa
Maynila pero naranasan moa ng hagupit ng bagyong Yolanda.
Kailan ka bumalik sa Tacloban?
A4: Noong 2004 nag-decide ako na bumalik sa Tacloban. Naisip ko kasi
na ang laki ng nagagastos ko sa Maynila. Iyong makakain ko sa isang
araw, sa Tacloban dalawang beses ko kayang kainin.
Q5: Sa iyong pagbalik, ano ang napansin mo, kung mayroon man?
A5: Pag-uwi ko, ang laki ng pagbabago. Iyong bahay namin na mataas at
elevated pa, pag-uwi ko pantay na ang dagat at iyong bahay naming.
Inaabot na kami kapag high tide. Samantala noon, malayo pa ang
dagat.
Q6: Noong bumalik ka at bago humagupit ang bagyong Yolanda,
kumusta naman ang iyong buhay?
A6: Noong 2004-2010, namasukan ako sa parlor. Mga 2010, noong nakaipon ako, bumili ng gamit pang parlor para mag-home service.
Nakapag-pundar din ako ng sari-sari store sa aming bahay. Napaayos