3 ang nanay ko. Hindi sapat kasi ang inaani sa pangtustos ng pangaraw-araw na gastusin sa bahay. Buti na lang, isa po akong iskolar noong estudyante ako. Iyong tatay ko minsan ang nagbibigay kapag walang pang-allowance. Pero, sa gastusin sa bahay, apektado talaga. Kaya minsan, humihingi kami roon sa lola ko ng palay para ipakiskis lang namin at siyang makakatulong pantawid sa amin. Q13: Sa mga pagkakataong ito, paano tinutugunan ng inyong mga magulang ang ganitong sitwasyon na kaunti ang ani? A13: Nahihirapan ang tatay ko kasi nagkakasakit siya paminsan-minsan. Noong college ako, gustung-gusto ko na siya umuwi para makapagpahinga. Pero ayaw niya, eh. Ito rin ang rason bakit hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang ibang kong kapatid. Minsan, si mama naman, namasukan sa DPWH ng tatlong buwan. Ang trabaho niya ay naglilinis at nagmementena sa kalsada. Q14: Handa po ba kayong panumpaan ang salaysay niyong ito kung kinakailangan? A14: Opo. Dalia Nalliw August 14, 2018

Select target paragraph3