Salaysay ni Bb. Rica Diamzon Cahilig
Rica Diamzon Cahilig, 20 taong gulang, taga Mabiga Hermosa, Bataan.
(Ang Salaysay ni Rica Diamzon Cahilig ay kinuha noong ika-13 ng Marso
2018 sa loob ng Wheatberry 80 Scout Castor Street, Diliman, Quezon City ni Atty.
Hasminah D. Paudac, kasama si Ms. Veronica Cabe, isa sa mga naghain ng
Petisyon sa Commission on Human Rights, at noong ika-16 ng Marso 2018 sa
pamamagitan ng isang tawag sa celfon ni Atty. Zeldania DT. Soriano.)
Q1: Sino si Rica Diamzon Cahilig? Bigyan mo kami ng maiksing
personal background.
A1: Isa akong Aeta Ambala, yan ang tawag sa tribu namin. Siyam (9)
kaming magkakapatid. Ang tatay ko ay isang magsasaka. Ang nanay
ko ang siyang nasa bahay, at katuwang din ni tatay sa pagsasaka.
Lumaki ako na kasama ko sila. Sa isang kumunidad kasama ko ang
mga kamag-anak din namin. Noong bata ako, pag-uwi ko sa iskwela at
pag walang pasok, tumutulong ako pati mga kapatid ko sa pagtatanim.
Q2: Alam mo ba kung bakit ka narito?
A2: Inimbitahan po ako ni mam Derek na mag-meeting tungkol sa climate
change tapos, later on, naliwanagan po ako na magsasalita pala ako
bilang witness sa public hearing.
Q3: Ano ba ang pagkakaunawa mo sa climate change?
A3: Pabagubagong klima dahil na rin sa abuso ng tao sa kapaligiran... na
nagdudulot ng matintinding baha, init at iba pa... kaya nakakaapekto
sa tao, sa amin, kaya concern po namin ang mga epekto.
Q4: Saan mo natutunan ang tungkol sa climate change?
A4: Napag-aaralan na rin po namin sa school ang tungkol sa climate
change, kay mam Derek din po maraming akong natutunan.
Q5: Ano ang sinasabi mong concern mo na may kinalaman sa climate
change?
A5: Nakakaapekto kasi ang climate change sa kabuhayan, pananim ng
aming pamilya... yung tradisyon po naming pagdadanso na nakaugat
sa kalikasan ay unti-unting nawawala dahil nasisira na rin ng tagtuyot
ang kalikasan... naapektuhan ang pag-aaral ko po at syempre ang
kinabukasan ko.
Q6: Paano naaapektuhan ang buhay at kultura ng inyong tribu?
A6: Natutuyo at nasisira po ang mga pananim at wala nang makuhang
pagkain sa kabundukan. Hindi lang naman dahil sa panahon kaya
nasisira ang mga pananim at nawawalan ng pagkain pero yung