Isa po akong broker, di ko po masabi ang detalye ng aking problema pero unfair po ang nangyari sa
akin, galit na galit po ako sa nangyari sa akin, respetado po ang pamilya namin, very close po kaming
magkakapatid, mga magulang lalo na sa aking mga anak. meron akong maraming organisasyon na
pinagsalihan respetado po ako, natakot po ako na baka hindi na ako matanggap ng mga kaibigan ko,
pag maisip ko iyon gusto ko na pong mamatay, ang pinanghahawakan ko nalang ang payo ng aking
mga anak na nasa labas ng bansa , na hindi daw magbabago ang pagtingin at love nila sa akin. Arawaraw po akong may dalaw pero na mimiss ko po ang pagiging malaya. Hinihintay ko po ang taos
pusong pagpapatupad ng GCTA sana hindi ito mawala.
Respondent 3
Has 6 kids
Case: 9165 /section 5
Length in Detention Cell : 8 years
(sentenced to 12-15 yrs, ready to be transferred to DAPECOL)
Dalawang beses na po akong nahirang na mayor sa selda namin. Inaamin ko po, druga talaga ang
negosyo naming mag asawa, kalalaya lang po ng asawa ko at siya ngayon ang nangangalaga sa 6
naming anak. Palagi po nila akong dinadalaw. Ang kinatatakutan ko ngayon kung mai lipat na ako sa
DAPECOL, paano na nila ako amdalaw, baka mahihirapan ako sa pakikipag halobilo ng mga inmates
doon. Sana malagpasan ko ang natitirang taon ng aking sentensya.
Respondent 4
Has 2 kids
Case: 9165 , section 6
Length in Detention 10 years and 2 months
Kalbaryo po sa araw araw ang aking buhay dito sa kulungan, wala po akong regular na dalaw, 10 taon
na po akong andito, wala pong tumulong sa aking kaso, masakit po ang mga pangyayari, dahil wala
namang nakuhang ebedensya ang mga pulis na nang raid sa bahay namin, natutulog po kami kasama
ng 2 anak ko maliliit pa po sila ang isa ay 4 at ang isa naman ay 3 taong gulang lang sila nuong
nangyari ito. Dikit dikit po ang kabahayan ng eskwater area na tinitirhan namin, alam ko po na sila ang
may mga customer, pero kami po ang na raid, di na po ako nadalaw ng partner ko, naghanap na po
siya ng iba, pinabayaan na po niya ako at ang responsibilidad niya sa mga anak ko, nanay ko nalang po
ang nag aruga ng aking mga anak, at matanda na po siya. Dahil sa wala po akong regular na dalaw,
wala rin akong masumbungan ng mga problema ko, minsan wala din akong gamit na kailangan ko dito
minsan may mag bigay. Nasasaktan po ako dahil hindi na po ako kinikilala ng mga anak ko, ate po ang
tawag nila sa akin ayaw po nila akong tawaging mama, para pong ikinahiya nila na nandito ako. Kapag
maisip ko ito gusto ko na pong mamatay. Takot po ako dito na magtanong dahil baka patawan ako ng
parusa, gusto ko po sana magka kubol na kami para naman baka bumalik ang aking partner sa akin
kung maibigay ko na rin ang kailangan niya bilang mag asawa. Minsan po na mis-interpret po ako lalo
na sa usaping ito. Sana po maraming dadalaw na mga tulad na ganito, o maraming out reach program
para naman mabigyan kami ng kunting mga bagay na kailangan namin dito sa loob.
Respondent 5
Has 1 kid
Case: 9165
Length of Stay in Detention Cell : 3 yrs and 4 months
Naka experience po ako ng depression at rejection sa labas, at sa sobrang depress ko, napa barkada
po ako at nalulong sa drugs. Nahiwalay po ako sa asawa ko kasama ang aking anak. Rejected po ako
ng pamilya ko dahil sa katigasan ng ulo ko. Ngayong andito na ako sa loob, parang may puwang na