individuals and communities. Nevertheless, as one account, in reflection mentions - there
is solidarity and collective support within the community and yet the realities of
discrimination and stigma remains. While the community has shown its solidarity and
resilience, resilience itself must not be romanticized, but must be a continuing call for State
duty bearers to address the situation of LGBTQI persons and to ensure fulfillment of rights.
I.
Reyel Xavier B. Inocencio
Trans masculine
Pioneer Filipino Transgender man Movement
Ako si Reyel Xavier B. Inocencio, miyembro ng Pioneer Filipino Transgender man
Movement, isa akong transgender man.
Lubha rin akong naapektuhan ng COVID-19 Pandemic. Bilang kasama ako sa mga
taong pinaka bulnerable sa sakit na ito. Mula noong ako ay bata pa, hikain na ko. Noong 2019
ako naman ay nadiagnose ng hypertension. Pinanganak akong premature, 7 months lang.
Kaya mahinang-mahina ang immune system ko.
Nagtatrabaho ako sa isang sangay ng gobyerno. Ngunit noong Hunyo ay pinapapasok
na nila ko sa opisina. Humingi ako ng request sa kanila kasama na ang medical certificate
mula sa doktor ko mula pagkabata. Na hindi ako maaring pumasok dahil mas madali akong
dapuan ng pandemya. Ngunit di nila ito tinanggap. Sumulat din ako ng query sa CSC ukol dito
ngunit hanggang ngayon ay wala pang tugon. Hanggang sa pinadalhan na ako ng liham ng
opisina; Kung hindi ako papasok ay papatawan nila ako ng disciplinary action o sa madaling
salita kakasuhan nila ko sa di ko pagpasok.
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents