I Ghem Laquindanum Transgender man Pioneer Filipino Transgender men Movement Ako po si Gem Laquindanum, isang transgender man, dahil sa COVID-19 Pandemic, itinigil ko ang pagtatake ng testosterone. Bilang simula ng lockdown, bahay at palengke lang po talaga ako. Wala akong trabaho at nakaasa lamang ako sa aming tatay na breadwinner ng pamilya. Sa ayuda lang ng barangay kami nakakakuha ng bigas para makain. Dahil sa kakapusan ng pera, hininto ko na ang pagtatake ng testosterone. Dahil dito nararamdaman kong nag fefeminize na ang katawan ko dahil hindi na nasusundan ng tamang dosage at turok ng T. Lagi akong may pangamba na babalik na ang sumpa (menstration). Minsan kapag namamalengke ako at nakabike, minsan pumapasok sa isip ko na baka may tagos ako at hindi ko pa alam. Sobrang nakakatakot at nakakahiya. Dagdag pa nito na hindi ako suportado ng aking pamilya sa aking HRT simula pa lamang na una akong nagturok nito. Nakakalungkot dahil sa araw-araw mas nararamdaman kong unti-unting hindi ko na nakikita kung sino ako. Nakakadagdag ng body dysphoria lalo ito sa akin, hindi ko na nagugustuhan ang repleksyon ko sa salamin.

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents