halagang 150 pesos lang kada araw. Sabi ko sa sarili ko, kailangan kong tiyagain, kailangan kong pag tiisan para lang may maihain ako sa hapag kainan. Sampu kaming magkakapatid, karamihan sa kanila may mga asawa’t pamilya na rin. Mga senior citizen na rin ang mga magulang ko kaya’t nakasalalay din sila sakin. Dahil sa pandemya, hindi pa rin naman kami araw-araw na nakakapamasada. Kaya puro utang na lang ako sa mga kaibigan ko, pakapalan ng mukha para sa sikmurang kumakalam. Kinakabahan din ako. Dahil sa pagbabanat ng buto, humihina ang resistensya ko. Mabilis ako magkasipon. Kaya araw-araw kong dasal sa Diyos na wag naman sana ako ang tamaan. Papaano na ang pamilya ko. Meron din akong sariling pamilya, ang girlfriend ko at ang tatlo nyang anak. Sinusuportahan ko rin ang dalawa sa mga kapatid ko. Kaya hindi ako dapat magkasakit. Nag eexercise rin ako para lumakas kahit papano. Pinasok ko na rin ang pag gugupit ng buhok. Dahil sa nakaraang lockdown, maraming nagpapaservice sa akin. Kaya pasalamat ako may dagdag na budget ito para samin, dahil hindi kami mabubuhay sa pamamasada ko lang ngayon ng tricycle. Hindi ko na rin maisingit sa bundok ng bayarin ang T shot ko. Dapat nga ay nakaschedule ako magpa laboratory test, pero dahil din sa kakapusan, wala, di ko pa napapasa sa doctor ko. Nanghihiram pa ko sa ng pera para lang makabili ako ng shot. Kailangan kong tibayan pa lalo ang aking puso at maging matatag. Dahil maraming umaasa sa akin. Sila ang nagbibigay ng inspirasyon at lakas upang gawin ko ang lahat ng aking makakaya, mabigyan lang ng magandang buhay ang aking pamilya. Gabayan sana nawa ako lagi ng Panginoon. VII Cai De Leon Queer Juan Spark Youth Leaders Ako si Cai De Leon, and I’m Queer, at ito ang aking pananaw sa Impact ng Pandemya sa LGBTQI+ community. Nang dahil sa pandemiyang ito, kanselado ang taunang Pride March--- ito ang pinakahighlight ng Pride Month para sa aming mga miyembro ng LGBTQ+ community sapagkat nagsasama-sama ang lahat ng mga kasapi at mga ally sa isang pangmalakihang protesta para sa pantay-pantay na karapatan, pagtigil sa diskriminasyon at karahasan na hinaharap

Select target paragraph3

Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents