Pareho kami ng girlfriend kong hindi out sa pamilya kaya naiintindihan naming hindi
pa ngayon ang panahon. Parehong alam ng mga kapatid namin at pareho naman silang
tahimik tungkol dito. Noong mga unang buwan ay sobra akong nahirapan. Bukod sa kailangan
naming itago relasyon namin sa pamilya namin, nahirapan ako dahil isang linggo ko pa lang
siyang girlfriend noong biglang nag-lockdown. Nag-aaral kami sa iisang paaralan bago ang
lockdown pero magkalayo ang bahay namin.
Hindi pa man kami ay siya na ang pinaghuhugutan ko ng lakas kapag may problema
ako. Magkaibigan pa lang kami ay nasanay na kong napapakalma niya ako sa pamamagitan
lang ng yakap niya. Nahirapan ako dahil nasanay akong parati ko siyang hawak, parati ko
siyang kayakap, at parating magkadikit ang aming mga labi. Iba yung pakiramdam ko noong
nag-lockdown na at inabot ng ilang buwan, dahil siya ang "safe space" ko. Ang bumalik sa
bahay naming may internalized homophobia ang lahat ng taong nakapaligid sakin ay
masyadong mabigat.
Mas kaya ko na ngayon kumpara noong mga unang buwan ngunit madalas ko pa ring
naiisip kung kailan ako aamin. Sa totoo lang, ayaw ko na sanang dumaan dun. Minsan
sumasagi sa isip ko na hahayaan ko na lang mamatay ang magulang kong hindi nila alam
ang parteng to ng buhay ko. Hindi ko rin naman gugustuhing ang mga huling taon ng
magulang ko sa mundo ay sasayangin nila na kinadidirian ako. Mabait ang mga magulang ko
at matulungin sa kapwa, at tanggap nila ang mga bakla at lesbiyanang nagtatrabaho para sa
amin, ngunit alam kong pagdating sa sarili nilang anak ay isusuka nila.
Kahit ganun, may support system naman ako. Out ako sa halos lahat ng kaibigan ko.
Out din ako sa ate at isa kong pinsan, na parehong bisexual. Mahirap magtago pero ilang taon
ko na rin naman itinatago mula sa kanila. Wala pa akong magawa dahil alam kong hindi pa
ito ang panahon. Hindi pa pwede.
Select target paragraph3
Connect to a paragraph
Connect to an entity
Disable highlights
Add to table of contents