Salaysay ni Gg. Felix “Ka Jhun” Pascua, Jr. Felix “Ka Jhun” Pascua, Jr., 52 years old, kasalukuyang taga General Nakar, Quezon Province, isang magsasaka at National Spokesperson ng Pambansang Katipunan ng Makabayang Magbubukid (PKMM) o National Union of Patriotic Peasants. (Ang Salaysay ni Gg. Felix “Ka Jhun” Pascua, Jr. ay kinuha noong ika-27 ng Pebrero 2018 sa loob ng Seattle’s Best sa Matalino, Diliman, Quezon at noong ika-13 Marso 2018 sa Wheatberry 80 Scout Castor Street, Diliman, Quezon City nila Attys. Zelda DT. Soriano at Hasminah D. Paudac, kasama sila Bb. Anna Dominique Esmeralda at Bb. Veronica Cabe, isa sa mga naghain ng Petisyon.) Q1: Nabanggit ninyo po na kayo ay National Spokesperson ng Pambansang Katipunan ng Makabayang Magbubukid (PKMM) o National Union of Patriotic Peasant. Ano po ang adbokasiya o misyon ng inyong samahan? A1: Isinusulong po namin ang interes at kapakanan ng mga magbubukid na humaharap sa iba’t ibang problema. Q2: Tulad ng mga anong problema po? A2: Land grabbing, displacement dahil sa development aggression, kontrol ng korporasyon sa seed at agrikultura, kawalan ng kapital sa produksyon, mahinang ani, mababang kita, pagkakabaon sa utang, at iba pa... sa panahon ngayon ang pagsasaka ay parang sumusugal na lang... na mas malaki ang tyansang matatalo. Q3: Sa panahon ngayon... hindi po ganyan dati? A3: Malaki ang pagkakaiba. Q4: Ano ang malaking pagkakaiba? A4: Mula 1980s, nagdadalawang-cropping na kasi mababa ang ani at kita pero mataas ang gastos sa produksyon. Nabago na ang panahon ng pagtatanim. Dati, pagpasok ng buwan ng Mayo, nag-aararo na kami dahil may ulan na na nagpapalambot ng lupa at hudyat na iyon ng simula ng planting season. Sa ngayon, nag-uulyanin na ang panahon. Hunyo na madalang pa ang ulan. Dahil atrasado ang ulan, atrasado ang pagtatanim. Dahil atrasado ang pagtatanim, inaabot ang tanim ng mga buwan ng tag-bagyo. Dahil panahon na ng tag-bagyo, mas mataas na yung tsansa na babagyuhin yung nagbubuntis na palay at masisira ang ani. Dahil diyan, baon na naman kami sa utang at wala na naman kaming kapital. Kung hindi naman sobrang ulan at bagyo, kalaban din namin ang tagtuyot. May mga lugar na hindi ka makapag-ani ng palay. Hindi ka makapagbunga ng iyong tanim. Dahil sa tindi ng init at lakas ng mga ulan. Ang karaniwang tinatamaan ay iyong “main crop” kasi matindi ang bagyo sa panahong iyon. Sa “second crop” lang nakakabawi kahit paano kasi Pebrero, Marso, at Abril

Select target paragraph3