2 Q5: Anong taon nagsimula ang isang siklo ng pagsasaka (panahon ng pagtatanim at pag-aani)? A5: Mula dekada setenta (1970s) hanggang sa huling bahagi ng dekada nobenta (late 1990s), naranasan namin ang dalawang siklo ng pagsasaka. Habang papatagal ay naging isahan na lang sa huling bahagi ng dekada nobenta hanggang 2000 dahil sa matinding pagbabago ng klima. Q6: Mayroon bang kaibahan sa naaaning palay noon at ngayon? A6: Kumokonti na ang nakukuha naming bunga ng niyog. Sa palayan na halos isang ektarya, mga 70-80 kaban ang nakukuha namin sa bawat siklo ng pagsasaka. Bawat kaban ay naibebenta namin ng PhP700.00. Ang 50 kaban ay nagsisilbing kapital, tapos 20-30 kaban ang sobra. Ngayon, 60 na kaban na lang ang naaani sa isang siklo. Nababawasan ng 20 kaban ang aming ani. Q7: Anong pagbabago ang inyong napapansin sa kaniyugan? A7: Ang mga bunga ng niyog ay lumiliit. Ang iba’t ibang sakit sa mga niyugan ang pinoproblema namin ngayon. Kadang-kadang ay isa sa mga sakit ng niyog. Nagdudulot ito ng pamumula at pagkatuyo nang mga dahon nito hanggang sa mamatay. Kukulisap at brontispa ang tawag sa sakit na dumadapo sa niyog na dala ng mga insekto. Maraming insekto ang nagsisilabasan dahil sa sobrang init ng panahon. Q8: Bukod sa nabanggit ninyo na pagbabago, mayroon pa ba kayong napansin? A8: Nabago pati sistema ng pagsasaka. Dati, nagsasaka kami ng 6:00 ng umaga at uuwi kami ng 12:00 ng tanghali. Tapos babalik kami ng 1:00 hanggang 5:00 ng hapon. Ngayon, apat na oras lang kami nagsasaka sa umaga. Bumabalik na kami ng 10:00 dahil sa matinding init na hindi na namin kinakaya. Tapos bumabalik kami ng 3:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi. Q9: May pagkakaiba ba sa kita sa pagsasaka noon at ngayon? A9: Oo. Mga 50% ang nabawas sa kita namin. Q10: Nabanggit ninyo na nangingisda rin kayo. Sa pangingisda naman, mayroon ba kayong napansin na kaibahan sa noon at ngayon? A10: Noong dekada setenta (1970s) hanggang dekada nobenta (1990s), kahit namimingwit ka lang sa tabing-dagat at sa bahura, may makukuha ka talagang isda. Sagana talaga ang karagatan noon. Marami talagang maibebenta na mga isdang-bato katulad ng lapu-lapu, molmol, tagpian, at iba pa. Pwedeng makahuli ng pitong (7) kilo sa loob ng tatlong oras. Pagpasok ng taong 2000, ibang-iba na kasi lumiit ang huli. Mga isang kilong isda na lamang ang nahuhuli namin. Bukod dito, mas mahirap talaga ngayon kasi lalayo ka pa para makahuli ng isda at maliliit na klase ng isda ang nakukuha hindi tulad noon.

Select target paragraph3