1 Salaysay ni Gg. Jonathan B. delos Reyes Jonathan B. delos Reyes, 40 taong gulang, may asawa, apat na anak, naninirahan sa Mariveles, Bataan, dating guro, at sa kasalukuyan ay nangangasiwa ng bagsakan at trading ng isda na tinatawag na consignasyon. (Ang Salaysay ni Gg. Jonathan B. delos Reyes ay kinuha noong ika-4 ng Mayo 2018 sa opisina ng Greenpeace Southeast Asia-Philippines na matatagpuan sa Room 201 JGS Building, 30 Scout Tuazon Street, Barangay Laging Handa, Quezon City. Ang Salaysay ay kinuha nila Attys. Zelda DT. Soriano at Hasminah D. Paudac, kasama si Bb. Veronica Cabe, isa sa mga naghain ng Petisyon.) Q1: Alam po ba ninyo kung bakit kayo naririto? A1: Nasabi po sa akin ni Derek (buong pangalan ay Bb. Veronica Cabe) ang tungkol sa kanilang human rights at climate change petition. Inimbitahan po niya ako at ako ay pumayag na ibahagi ang aking karanasan bilang maliit na negosyante at kung paano posibleng naaapektuhan ng climate change ang aming maliit na consignasyon. Q2: Pakipaliwanag n’yo nga po muna kung ano ang consignasyon… A2: Iyan po ang karaniwang sistema ng trading ng isda. Ang negosyante (broker) na nangangasiwa ng bagsakan ng isda (trading post) ay nagpapautang sa mangingisda at ang mga nagkakautang na mangingisda ay may obligasyong magbagsak ng kanilang huling isda sa pinagkakautangan negosyante. Sa negosyante bumubulong ng bid ang mga nais pumakyaw o mamili ng isda. Sekretong bidding ito para makuha ang best prices para sa isda. Kumikita ang katulad ko pong nangangasiwa ng bagsakan sa pamamagitan ng pagkuha ng komisyon mula sa mga bentahang nagaganap sa bagsakan. Q3: Gaano katagal na po kayong nangangasiwa ng consignasyon? A3: Mula pa po noong bandang 2003. Ang tatay ko po ang dating nagmamanage ng consignasyon. Ipinagpatuloy ko lamang po ang kanyang negosyo. Q4: Balik po tayo sa kung bakit kayo narito . . . pamilyar po kayo sa nasabi ninyong climate change? A4: Ayon lamang po sa nasusubaybayan ko sa mga balita at talakayan sa mga programa sa telebisyon at radyo, at sa sariling karanasan na rin po... malaki na po ang ipinagbago ng klima... Q5: Bakit n’yo po nasabing malaki na ang ipinagbago ng klima? A5: Napakatindi na po ng init. Noon, tinatalon at nilalangoy naming mga bata ang Santol River. Ngayon, ang Santol River ay putik at burak na lang. Noon, natutulog kami sa tanghali kasi presko naman. Ngayon, hindi kami makatulog sa sobrang init. Noon din, naliligo kami sa Mattel Beach at walang problema. Sa ngayon, kapag naligo sa Mattel Beach, nangangati ang balat namin.

Select target paragraph3