pinamumunuan ni Atty. Jill. Wala po dito ang head ng Gender and Women ang
kasama po namin ay si Ms. Jay. Wala rin po dito ang mga taga-Crisis Center dahil
ang focus po nito ay sa mga IDPs (Internally Displaced Persons) na gawa ng mga
kalamidad o ng g‟yera.
Ang opisina po ng CHR ay nandoon sa UP Diliman. At mula sa opisina namin ang
buong team ng CHR ay nandito ngayon. Si Aileen at Arman ay mula sa aming
Finance, si Frances mula sa Policy Office, si James at Malou po ay ang naka-talaga sa
Region IV-B (MIMAROPA), at may kasama kaming tatlong (3) documenter, sila
Jowie, Fatima at Hannah para mabigyan ng aksyon ang mapag-uusapan dito.
Ang CHR po ay mayroong labinlimang (15) Regional Offices at limang (5) sub-offices
sa buong bansa. At ang una po namin na pinagtuunan ng pansin ay ang mga
concerns ng mga Katutubo. Kaya simula noong 2016 si Atty. Jess at ang mga
Komisyoner at nag-plano kung papano bibigyan ng mga karampatang tulong at
aksyon ang mga issues and concerns ng mga Katutubo. Ito ay ginawa sa
pamamagitan ng National Inquiry at ito ay dahil sa tulong ng aming Konsultant na si
Roy Cabonegro.
Si Roy ang mag-sasalita upang malaman ninyo ang tungkol sa IP Human Rights
Observatory (IPHRO) na ito ay para rin sa inyong kabutihan.
Maraming salamat po sa inyong pakikinig.
NATRIPAL Gen. Assembly and Launching of IPHRO, Dec. 12-14, 2018
Page
[8]